Dating minamaltratong OFW, matagumpay na negosyante na sa Japan

Dating minamaltratong OFW, matagumpay na negosyante na sa Japan

- Matinding pagmamaltrato ang inabot ng OFW na si Jonalyn Tayoto mula sa kanyang employer

- Nabago ang kanyang kapalaran nang sinukuan na niya ang mapang-abusong amo

- Matagumpay na negosyante na siya ngayon sa Japan na may sariling immigration consultancy

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masasabing minalas ang OFW na si Jonalyn Tayoto sa kamay ng kanyang amo noon sa Hong Kong.

Ayon sa The SUN Hong Kong, pumasok ng domestic helper si Jonalyn sa naturang bansa noong 2014.

Mayamang pamilya man ang kanyang napasukan, di naman naging maayos ang pakikitungo nito sa kanya.

Kakaunting pagkain lamang ang nilalan sa kanya at maayos siyang nakakakain tuwing tutungo siya sa Consulate.

Bukod sa paninilbihan sa mismong amo, pinahihiram din siya sa nanay nito sa ibang lugar. Maging doon ay di rin maayos ang pag trato sa kanya at nadagdagan pa ito ng pagseselos gayung pinakikitaan naman siya ng maayos ng ama ng amo.

Bawat kilos niya ay minamatyagan ng ina ng amo kaya naman mas lalong nadagdagan ang hirap ng kanyang ginagawa.

Dumating pa sa puntong sinunog ng ina ng amo ang damit ng anak at tinurong salarin si Jonalyn.

Dating minamaltratong OFW, matagumpay na negosyante na sa Japan

source: supplied
Source: UGC

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napuno na siya noon at nagdesisyong lisanin na ang pamilyang pinagsisilbihan.

Sa dami ng nangyari, di pa rin sumuko si Jonalyn sa pagiging OFW.

Tumungo siya ng Japan bilang turista at nakapagtrabaho sa isang hotel. Maayos namang naghanapbuhay doon si Jonalyn at nagagawa pa niyang matulungan ang mga kababayan niya tungkol sa immigration issues. Nagagawa niya ito dahil minsa na siyang nagtrabaho sa recruitment agency.

Nang malaman ito ng kanyang boss sa hotel, nirekomenda siya nito sa isa nitong kaibigan upang magkaroon na si Jonalyn ng immigration consultancy license.

Nang maging legal ang lahat ng ginagawa ni Jonalyn dahil sa pagkakaroon na ng lisensya, wala siyang inaksayang oras.

Nagtayo agad siya ng kompanya ang Forza Consultants. Ito rin ang nakatulong sa kanya para sa kanyang visa.

Maayos niya itong napatakbo at naisusubi ang halos kalahati ng kinikita ng kanyang kompanya.

Ngayon, sa edad na 37, marami man siyang hirap an pinagdaanan, sulit naman ang lahat ng ito.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel