10 anyos na bata, mag-isang nag-aakikaso sa 2 maliliit na kapatid at inang na-stroke

10 anyos na bata, mag-isang nag-aakikaso sa 2 maliliit na kapatid at inang na-stroke

- Humihingi ng tulong ang isang netizen para sa mag-iinang hirap sa buhay

- Na-stroke ang ina ng mga bata kaya naman ang 10 taong gulang na anak nito ang nag-aasikaso sa kanyang mga kapatid ang maging ang ina

- Mayroon pa itong sanggol na anak ang ina na di na niya naasikaso ng maayos dahil sa kanyang karamdaman

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang netizen ang kalunos-lunos na kalagayan ng isang mag-iina sa Rolling Hills, Brgy F. De Castro, GMA Cavite.

Sa post ni Klein Kane Kyle, makikita ang hirap ng kalagayan ng 28 anyos na inang si Melanie Delovino. Na-stroke umano ito kaya di na niya maasikaso ng maayos ang mga anak.

Ang panganay niyang 10 taong gulang ang siyang nag-aalaga sa ina maging sa mga kapatid nitong may edad na 4 na taon at ang isa naman ay limang buwan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nilarawan ng netizen na nakadalaw sa mag-iina na "nakakahabag at nakakaiyak" ang kalagayan ng mag-iina kaya naman inihihingi nila ito ng tulong.

Mapapansing namamanas na rin ang kamay ng ina at kinakailangan na itong madala sa ospital upang maayos na matingnan.

Lubhang nakakaawa rin daw ang limang buwang sanggol na di na naaaruga ng ina.

Tanging ang 10 taong gulang na anak ang nakakausap ng mga nurse at ng netizen na bumisita dahil hirap na talaga sa kanyang kalagayan si Melanie.

Hiling ng nag-post na matulungan ang mag-iina sa anumang paraan.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Kim Jones' recent photo with husband sparked pregnancy rumors

Kim Jones' recent photo with husband sparked pregnancy rumors

Kim Jones' recent photo with husband sparked pregnancy rumors
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel