Video ng nakakatuwang paghahanap ng CR ng isang beki, viral

Video ng nakakatuwang paghahanap ng CR ng isang beki, viral

- Maraming netizens ang naaliw sa video ni Macoy Dubs na naghahanap ng comfort room sa Makati

- Halos wala pang mga establisyementong bukas dahil sa masyado pang maaga kaya nahirapan silang makahanap

- Sa isang hotel, tuluyang nakakita ng palikuran si Macoy ngunit sa kasamaang palad, wala ritong bidet

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang video ng vlogger na si Macoy Dubs kung saan naghanap siya ng maayos na comfort room sa Makati dahil sa nakakaramdam na siya ng 'tawag ng kalikasan.'

Sa umpisa ng video, nabanggit niyang di kasi siya nakadumi sa bahay bago siya pumasok sa opisina kaya naman siya ay nakaramdam nito ng wala sa oras.

Halos ginalugad niya Makati bandang Dela Rosa street hanggang nakarating pa siya ng Greenbelt.

Sa kasamaang palad, halos sarado pa ang mga establisyemento dahil sa may kaagahan pa.

Hangang sa naisip nila ng kanyang kaibigan na subukang pumasok sa isang hotel at magkunwaring bibili ang kaibigan nito ng kape habang siya ay diretso na sa CR.

Nakakita nga si Macoy ng CR ngunit tanging tissue lamang ang meron ito. Gaya ng nabanggit din niya sa vlog, nakakadiri naman daw kung walang bidet o yung panghugas sa gilid ng toilet ngunit iyon nga ang nangyari sa kanya.

Tuwang tuwa ang mga netizens sa video dahil mga 'gay lingo' pa ang ginagamit na salita ni Macoy na nakadagdag ng aliw sa mga manonood.

Narito ang kabuuan ng video:

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Dpt lahat ng cr s pelepens may bidet lalu na sa public toilet, sana sa store din"
"HAHAHAHAHAHAHA grabe yung pag erna tapos ssbhn walang bidet tapos hawak sa bibig malapit. Yay"
"... So kapag ganun ang inyong nararamdaman kapag naeernabels kayey, magdasal lang kayo diyan sa may Greenbelt Chapel. " Nakakaloka! Hahahahaha!!!"
"Sa Bellevue or Vivere na ko magdedeposit sa susunod. Samahan niyo ko, para makaexperience ng bidet. Hahahahaha"
"Saan yung coffee shop niyo? May imi-meet lang kame." EEEMMMZZZ! AHAHAHAHAHAHAHA"
"super relate ako every time na gusto ko mag CR especially pag naabutan ka.. kumakapit na lang sa mga FASTFOOD (sa PWD na CR)"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson

Kim Chiu reacts to viral ‘shampoo’ memes about girls linked to Gerald Anderson
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel