Dalaga, hinihinalang dahil sa kulam ang mga lumala niyang tigyawat

Dalaga, hinihinalang dahil sa kulam ang mga lumala niyang tigyawat

-Lumaki, nag-nana at dumudugo pa ang tigyawat sa magkabilang pisngi ng dalagang si Patricia

-Ipinakonsulta na nila ito sa isang doktor ngunit wala rin naman daw nangyari

-Kaya naman nagawa na nilang sumangguni sa isang albolaryo at ayon rito nakainggitan raw ang dalaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Madalas na nasa bahay na lamang daw ang 17-anyos na si Patricia dahil sa kanyang kondisyon.

Ang dalaga kasi, mayroong tigyawat sa magkabilang pisngi na lumaki at halos sakupin na ang kanyang mukha. Nag-nanana na rin ito at dumudugo.

Ayon sa panayam ng programang Kapuso Mo Jessica Soho (KMJS) sa dalaga, nagsimula lamang ito sa maliit na tigyawat.

Ingat na ingat pa man din daw ito na tirisin dahil sa ayaw niyang mag-peklat o mangitim ang mga ito.

Sa kagustuhang gumaling ang mga tigyawat sa mukha, nilinis din daw ito ni Patricia ng toner at cleanser.

Ngunit sa halip na gumaling ay mas lumalala pa raw ang kanyang mga tigyawat hanggang sa tuluyan nang lumaki.

Nagpakonsulta na rin daw sila sa isang doktor ngunit wala rin naman daw nangyari kaya naman napilitan na silang pumunta sa isang albolaryo.

Ayon dito, dahil daw ito sa isang dwende, na posibleng nasaktan ang dalaga at nakainggitan rin daw ito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa payo pa ng albolaryo, nagpadasal pa sila sa kanilang bahay ngunit sa kalagitnaan nito isang babaeng itim at galit na galit na sumulpot na lamang na nakita raw mismo ng pinsan ng dalaga.

Ang karelasyon naman ng dalaga na si Danielle, may hinala na kung sino ang babaeng nasa likod ng pangungulam kay Patricia.

Hinala nito, ang babaeng nakaalitan nila minsan ang may gawa. Ngunit ayon pa sa pagiimbestiga ng team ng KMJS, hindi residente sa lugar ang sinasabing babae.

Kaya naman wala nang nagawa pa ang dalaga kung hindi ang sundin ang payo ng albolaryo na makipaghiwalay sa kanyang kasintahan.

Sabi raw kasi ng albolaryo, ang pangungulam kay Patricia, mahihinto lamang kung makikipaghiwalay siya sa kasintahan.

Si Patricia naman, patuloy na umaasa at lumalaban para sa sarili. Naniniwala ang dalaga na hindi siya pababayaan ng Diyos sa kanyang kalagayan.

Samantala, nang ipatingin ng KMJS si Patricia sa isang dermatologist, sinabi nitong posibleng isang tumor ang tumubo sa dalaga.

Kinailangan pa itong kunan ng mga test upang masiguro ang kondisyon nito na tatagal raw ng ilang araw.

Natatakot man, lalakasan na lamang daw ni Patricia ang kanyang loob alang-alang sa pag-asa na siya'y gumaling na.

Narito ang buong ulat ng KMJS:

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Noodles, ginamit na pang-ayos ng sirang lababo, mangkok, upuan at pati inidoro

Noodles, ginamit na pang-ayos ng sirang lababo, mangkok, upuan at pati inidoro

Instant noodles, ginamit na pang-ayos ng sirang lababo, mangkok, upuan at pati inidoro
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel