Isang eskwelahan sa India, libre ang pag-aaral kapalit ng mga plastic na basura

Isang eskwelahan sa India, libre ang pag-aaral kapalit ng mga plastic na basura

-Isang eskwelahan sa India ang tumatanggap ng mga plastic na basura kapalit ng libreng pag-aaral dito

-Ideya ito ng mag-asawang parehong guro sa isang lugar sa nasabing bansa

-Bukod sa nakatutulong na sila sa kalikasan ay nabibigyan pa nila ng pag-asa ang mga kabataan sa lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang kahanga-hangang ideya ang naisip ng mag-asawang Mazin Muktar at Parmita Sarma ang agad na umani ng paghanga online.

Ang mag-asawang parehong guro sa India ay may mga ginintuang puso para sa mahihirap.

Ayon sa ulat ng Philippine News, para malabanan ang kahirapan at ang iba pang problemang kinakaharap ng kanilang bayan, naisip ng mag-asawa na magtayo ng isang paaralan.

Ang paaralang ito na nasa Akshar, Assam, noong una ay nagbibigay ng libreng edukasyon para sa mga mahihirap na kabataan.

Bagamat libre na ito, iilan lamang daw ang nag-enroll sa kanilang paaralan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mas pinipili umano ng mga magulang ng mga bata na pagtrabahuhin ang mga anak sa halip na pag-aralin.

Ganunpaman, isa pang problema ang napansin ng mag-asawa sa lugar.

Ito ay ang problema naman sa basura doon.

Kaya naman naisip ng mga ito na hinging kapalit ng kanilang libreng tuition fee ang mga plastic na basura sa kanilang mga estudyante.

Ayon din sa ulat, ang mga naiipong plastic ay inire-recycle at ginagawang ornamental lamps.

Ang iba naman ay ibinebenta sa mga junk shop at ang perang nakukuha mula rito ay ginagamit rin sa kanilang munting eskwelahan.

Isang eskwelahan sa India, libre ang pag-aaral kapalit ng mga plastic na basura

Photo source: Philippine News
Source: Facebook

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
YouTube star PewDiePie marries longtime GF Marzia Bisognin

YouTube star PewDiePie marries longtime GF Marzia Bisognin

YouTube star PewDiePie marries longtime girlfriend Marzia Bisognin
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel