15 Pinoy celebrity superstars na nag-invest sa iba't ibang businesses

15 Pinoy celebrity superstars na nag-invest sa iba't ibang businesses

Napag-alaman ng KAMI ang 15 sa mga Pinoy celebrity superstars na ito na nag-invest sa iba't ibang businesses.

May iba na nag-invest sa restaurants, KTVs, cafes, refreshments, milk tea shops, flower shops, salons, gas stations, at food chains habang ang iba naman ay sa bars.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sila ang mga super sikat na mga artista na mga wais rin pagdating sa paghawak ng pera.

1. Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo

Kamakailan ay nag-open na ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ng kanilang restaurant.

2. Marian Rivera

May-ari naman si Marian Rivera ng flower shop na pinamagatang 'Flora Vida by Marian.'

3. Toni Gonzaga-Soriano at Alex Gonzaga

Ang mag-sissums na sina Toni at Alex ay nagmamay-ari ng milk tea shop na nagbukas noong June 2017 at gaya ng kanilang mga vlog channel ay umarangkada din ang mga branches dahil all over the country na ito.

4. Vice Ganda

May-ari naman si meme Vice Ganda ng Vice Cosmetics bukod pa umano sa pagiging shareholder ng isang upscale club na ang pangalan ay Valkyrie, ayon pa sa gmanetwork.com.

5. Kathryn Bernardo

May sariling nail salon naman si Kathryn Bernardo.

6. Kris Aquino

Pagmamay-ari ni Kris Aquino ang KCAP na maraming businesses rin ang kasama.

7. Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao

Una na naming ibinahagi ang 15 businesses ng mag-asawang Jinkee at Manny Pacquiao.

8. Daniel Padilla

Investor naman si Daniel Padilla sa gastropub District 8 sa San Juan kung saan kasama niya rito ay sina Vice Ganda, James Yap, Billy Crawford, Paul Artadi, Marc Pingris, Charlton Yu at former San Juan vice mayor Francis Zamora, ayon pa sa naunang balita ng push.com.ph.

9. Anne Curtis at Karylle

Kasosyo naman ang It's Showtime hosts na sina Anne Curtis at Karylle sa Rockstar KTV.

Si Anne ay may sariling cosmetics line din.

10. Nadine Lustre

Nag-umpisa si Nadine Lustre sa kanyang 'Nail’s Glow and Body Spa' at kalaunan ay nakipag-partner siya sa isang Australian cosmetics giant at nag-launch ng kanyang sariling collection at naging isang Chief Creative Designer.

11. Regine Velasquez at Ogie Alcasid

Nagbukas naman sina Regine Alcasid at Ogie Alcasid ng kanilang Japanese restaurant.

12. Liza Soberano

May-ari din si Liza Soberano ng isang wellness spa.

13. Willie Revillame

Bukod pa sa kanyang sikat na Wil Tower ay may-ari din daw si Willie Revillame ng WBR Entertainment Productions at kasalukuyang nagde-develop ng 5-star hotel sa Tagaytay.

14. James Reid

Si James Reid naman ay nagmamay-ari ng record label.

15. KC Concepcion

Nagmamay-ari naman ang panganay ni Megastar Sharon Cuneta na si KC Concepcion ng isang fine jewelry na siya pa ang nag-disenyo.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team had an exclusive interview with Madam Kilay about her new Afam, recently, watch it below.

Get more exclusive celebrity interviews, and exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel