Councilor ng San Juan na naputulan ng mga binti at paa sa pagsabog, muling naluklok

Councilor ng San Juan na naputulan ng mga binti at paa sa pagsabog, muling naluklok

-Muling naluklok sa pwesto ang councilor ng San Juan city na si Raissa Laurel na naputulan ng paa dahil sa pagsabog

-Kasama si Councilor Raissa sa mga nasaktan sa nangyaring pagsabog noong bar exam 2010

-Sa kanyang Facebook account, nagpasalamat na ito sa mga taong patuloy na sumusuporta at naniniwala sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Sa pamamagitan ng isang Facebook post, nagpasalamat na si Councilor Raissa Laurel sa mga taong muling nagluklok sa kanya sa pwestong nitong eleksyon.

"Una po sa lahat, ako po ay taos-pusong nagpapasalamat sa inyong suporta. Patuloy po nating ipagdasal ang ating mahal na Lungsod na magkaisa na po ang lahat." ani Laurel.

Base sa resulta ng partial and unofficial, pumangatlo si Laurel sa botohan bilang councilor sa first district ng San Juan City.

Umani ito ng 15,057 na boto mula sa taong-bayan base sa 100% election returns.

Si Laurel ay kasama sa 40 na nasaktan noong 2010 sa isang pagsabog sa isang lugar malapit sa De La Salle University campus kung saan ginanap ang bar examination, base sa ulat ng GMA News.

Si Laurel na noon ay isa pa lamang law student sa San Sebastian College ay isa mga labis na napuruhan sa pagsabog.

Naputulan ang dalaga ng mga binti at mga paa dahil sa trahedya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ganunpaman, hindi ito naging hadlang upang abutin niya ang kanyang mga pangarap at para makapag-lingkod sa bayan.

Una itong sumabak sa politika noong 2016 sa ilalim ng partido ni outgoing San Juan Mayor Guia Gomez.

Ngayong 2019, sa ilalim naman ng partido ni Janella Ejercito Estrada lumaban si Laurel.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Gerald Anderson's mom gives honest message to Julia Barretto amidst controversy

Gerald Anderson's mom gives honest message to Julia Barretto amidst controversy

Gerald Anderson's mom gives honest message to Julia Barretto amid controversy
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel