De La Salle student, ginahasa at pinatay sa kanyang bahay sa Batangas

De La Salle student, ginahasa at pinatay sa kanyang bahay sa Batangas

-Wala nang saplot pang-ibaba ng matagpuan ang 21-anyos na si Fidex Therese Dimaculangan Maranan sa kanyang bahay sa Batangas

-Ayon sa SOCO na sumuri rito, ginahasa ang dalaga

-Sabi naman ng pulisya, walang forced entry sa bahay ng biktima kaya posibleng kilala nito ang suspek

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

May saksak sa leeg, wala nang saplot pang-ibaba at bangkay na rin nang matagpuan ang 21-anyos na graduating student ng De La Salle Batangas.

Kinilala ang biktima na si Fidex Therese Dimaculangan Maranan, ulila na at tanging ang tiyuhing pari at ilang kaanak na lamang ang gumagabay.

Ayon sa tiyuhin nito na si MSGR. Ruben Dimaculangan, bibisitahin sana niya ang dalaga sa bahay nito sa Lipa nang matanggap ang masamang balita.

Lumabas na ginahasa rin ang biktima base na rin sa pagsusuri ng PNP-SOCO.

Ayon sa mga kaanak ni Fidex, mabait at responsable ang dalaga kaya naman wala silang maisip na dahilan upang gawin ang karumal-dumal na pagpatay rito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Samantala, ayon sa PNP, wala silang nakitang forced entry sa bahay ng biktima kung saan ito natagpuang patay, base sa isang panayam ng ABS-CBN News.

Kaya naman posibleng kilala ng biktima ang gumahasa at pumatay rito.

Mayroon na rin daw silang person of interest na kasalukuyan pa nilang iniimbestigahan.

Dagsa naman ang mga post ng mga kakilala, kaibigan at pamilya ni Fidex sa social media na nananawagan ng hustisya sa pagkamatay ng dalaga.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Titser na may alagang ahas, pinahanga ang mga netizens sa ganda niya

Titser na may alagang ahas, pinahanga ang mga netizens sa ganda niya

Kinder titser na may alagang ahas, pinagpipiyestahan ang ganda sa social media
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel