No "Budots" in Senate -mariing pangako ni Bong Revilla kapag nanalo

No "Budots" in Senate -mariing pangako ni Bong Revilla kapag nanalo

-Matapos na mapasama sa Magic 12 na posibleng maging senador ng bansa sa mga nakaraang bilangan, may pangako si Bong Revilla sa bayan

-Anito, magta-trabaho siyang maigi para sa bansa sakaling palarin muli

-Nagbiro pa ito para sa kanyang mga kritiko lalo na sa gumagamit sa kanyang campaign ad para siya ay gawing katatawanan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Pasok sa Magic 12 ang aktor at dating senador na si Bong Revilla, base sa kasalukuyang partial ang official tally ng COMELEC nitong Biyernes.

At kahit pa nga napawalang sala ito sa kasong plunder na isinampa laban dito apat na taon na ang nakararaan, maraming Pinoy pa rin ang nang-aakusa rito.

Ganunpaman, may pangako si Revilla sa Pinoy kapag pinalad daw siyang manalo muli.

“Well you know, kung paano ako magtrabaho kung ano man ang komite nating mahawakan ay tayo ay magsisilbi sa bayan,” anito, ayon sa ulat ni Consuelo Marquez ng Inquirer.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Maging ang kontrobersiyal na campaign ad niya kung saan sumasayaw si Revilla ng "Budots" ay hindi rin pinalagpas ng mga netizens.

Katunayan, maging ang aktres na si Agot Isidro may banat rin kay Revilla kaugnay sa kanyang campaign ad na unang naibalita ng KAMI.

Depensa naman ni Revilla kaugnay ng pang babatikos sa kanya ng ilan, “Tayo ay magperform sa Senado. Hindi tayo magsasayaw lang diyan,”

Bukod rito, may patutsada pa ang dating senador sa kanyang mga kritiko.

“Don’t worry dun sa mga ano [critics] tuturuan ko sumayaw ng budots para di sila masyadong seryoso sa buhay,” sabi pa nito.

Samantala, sa isa pa ring ulat ng KAMI, isang netizen ang nagpost ng kanyang selfie kasama si Revilla at ginawa itong katatwanan na agad ring nagviral.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Labi ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa

Labi ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa

Bangkay ng OFW na nasawi sa paragliding sa Georgia, naiuwi na sa bansa
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel