Toni Gonzaga, ikinuwento ang muling pagkikita nila ni John Lloyd Cruz

Toni Gonzaga, ikinuwento ang muling pagkikita nila ni John Lloyd Cruz

- Ikinuwento ni Toni Gonzaga ang muling pagkikita nila ni John Lloyd Cruz

- Napanayam ng press si Toni pagkatapos ng mediacon ng Home Sweetie Home Extra Sweet

- Dito ay tinanong siya tungkol sa pagkikita nila sa private dinner sa Malacañang, kamakailan

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ikinuwento ni Toni Gonzaga ang muling pagkikita nila ni John Lloyd Cruz sa private dinner na naganap sa Malacañang, kamakailan lang, kung saan nag-abot sila at napag-alaman ng KAMI na nasa isang table lang sila.

Napanayam ng press si Toni pagkatapos ng media conference ng Home Sweetie Home Extra Sweet at dito ay tinanong siya tungkol sa pagkikita nila ni Lloydie sa naturang event kasama ang Presidente ng Pilipinas.

Dugtong pa na kuwento ni Toni ay kahit nasa isang table sila ay hindi raw iyon tamang lugar para pag-usapan ang trabaho at wala naman daw nag-uusap tungkol sa work.

At marami pang tanong na ibinato kay Toni sa naturang panayam.

Spotted namin ang naturang interview sa Chikkaness Ave at StarsPhoto Vidz YouTube channel.

Si Toni Gonzaga at John Lloyd Cruz ay ang unang mga lead stars ng Saturday longtime-running TV sitcom sa Kapamilya, ang Home Sweetie Home, na unang umere noong 2014.

Ngayon, may bagong bihis na ito at pinamagatang Home Sweetime Home Extra Sweet na talaga namang nag-trending sa Twitter at number 2 sa most viewed nang unang umere.

Kasama sina Luis Manzano, Vhong Navarro, Bayani Agbayani, Direk Bobot, Miles Ocampo, FumiYam, at Rio Locsin.

POPULAR: Read more news about Toni Gonzaga here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team had an exclusive interview with Madam Kilay about her new Afam, recently, watch it below.

Get more exclusive celebrity interviews, and exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel