John Lloyd Cruz, welcome pa rin sa Home Sweetie Home Extra Sweet

John Lloyd Cruz, welcome pa rin sa Home Sweetie Home Extra Sweet

- Welcome pa rin si John Lloyd Cruz sa Home Sweetie Home Extra Sweet

- Ito ang sagot ng bagong cast ng Saturday Kapamilya sitcom kasama ang original lead star na si Toni Gonzaga at Direk Bobot Mortiz

- Tinanong ng press sa media conference ng show kung sino raw ang gusto nilang guests sa show

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa naganap na media conference para sa bagong bihis ng Saturday Kapamilya sitcom nalaman ng KAMI na naitanong sa new cast kasama ang original lead star na si Toni Gonzaga at ang director na si Bobot Mortiz kung sino raw ang gusto nilang artista ang magiging guests sa show.

“Our house is open for everyone, including John Lloyd Cruz,” ito raw ang sinigurado ng Home Sweetie Home Extra Sweet cast sa nasabing press conference noong Huwebes, ayon sa ulat ni Deni Rose M. Afinidad-Bernardo sa PhilStar.

Sabi pa ni Direk Bobot:

“S’yempre si John Lloyd pa rin. Hindi matatawaran ang galing n’ya sa pag-arte. At saka parang ‘di pa tapos ‘yung kwento nila ni Julie."

Ito rin ang gusto ni Alex Gonzaga na isa sa mga bagong cast ng long time running Kapamilya sitcom tuwing Sabado.

“Siguro para sa’kin, tama si Direk, gusto ko rin makasama si John Lloyd."

Si John Lloyd Cruz ang isa sa mga bidang karakter ng Home Sweetie Home na si Romeo na unang umere noong January 5, 2014.

At si Toni Gonzaga ay gumaganap pa rin bilang si Julie habang ang kanyang sissum na si Alex Gonzaga ay gumaganap bilang half sister niya na si Mikee, na galing sa kanyang real-life bf na si Mikee Morada, ang councilor ng Lipa City, Batangas.

Kung dati nasa likod lang ng kamera si Direk Bobot Mortiz, ngayon ay isa na siya sa additional cast at gumaganap bilang si Barangay Captain Frank.

Kasama pa nila sina Luis Manzano, Vhong Navarro, Bayani Agbayani, Fumiyam ng PBB Otso, Miles Ocampo, at Rio Locsin.

POPULAR: Read more news about John Lloyd Cruz here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team had an exclusive interview with Madam Kilay about her new Afam, recently, watch it below.

Get more exclusive celebrity interviews, and exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Manny Pacquiao, papuntang New York para sa press tour ng laban nila ni Thurman

Manny Pacquiao, papuntang New York para sa press tour ng laban nila ni Thurman

Manny Pacquiao, papuntang New York para sa press tour ng laban nila ni Thurman
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel