Kakaibang pagtulong ng estudyante sa nalokong jeepney driver, hinangaan ng netizens

Kakaibang pagtulong ng estudyante sa nalokong jeepney driver, hinangaan ng netizens

- Trending ang tweet ng isang estudyante kung paano niya natulungan ang nalokong jeepney driver

- Sa awa kasi ng estudyante sa nagawa ng grupo ng pasahero na nanloko sa tsuper, nag-isip siya ng paraan para matulungan ito

- Umani ng papuri ang ginawa niyang ito na tunay na kahanga-hanga at dapat na tularan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng estudyanteng may Twitter name na Angela @leuuun ang isang karanasang di niya malilimutan sa pagsakay niya sa jeep.

Inakala niyang ordinaryong araw na naman ito sa kanyang araw-araw na pagko-commute nang sumigaw ang isang babae na kulang daw ang sinukli sa kanya.

Giit ng babae na ₱50 ang binayad niya at dalawa lamang sila. Nilinaw ng tsuper na ₱20 lamang ang inabot nito.

Doon nagsimula nang magbitaw pa ng di magagandang salita ang babae at upang matapos na ang diskusyon, binigay na ng driver ang sukli na sinasabing kulang.

Napansin daw ni Angela ang bigat sa loob ng tsuper na nagbigay ito ng 'kulang' na sukli.

Nang nakababa ang babae at kanyang mga kasama, narinig umano ni Angela na alam ng kasama ng babae na ₱20 lang talaga ang kanilang binayad.

Ngunit, di na ito sinauli pa ng babae at sinabing "nagkapera" pa sila.

Ang nakalulungkot pa sa nangyari, may sakit pala ang anak ng tsuper kaya naman labag sa kalooban nito na ibigay ang sinasabing kulang na sukli ng babae.

Halos maluha na ang tsuper ngunit pilit daw itong tinatago sa mga pasahero. Doon naisip ni Angela na ang inaakala niyang maliit na halaga ay malaking bagay na pala sa iba.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman naisip ni Angela na magbayad ng hindi student's fare kundi ang regular na ₱9. Nang ito ay mapansin ng tsuper, sinabi nitong bayad na si Angela.

Ngunit pinilit pa rin ng estudyante na 'di pa raw siya bayad' para lamang tanggapin ito ng driver. Ang maganda sa nangyari, ginaya si Angela ng iba pang pasahero at nag-abot muli ng kanilang pamasahe.

Di na napigilan ng tsuper ang kanyang emosyon at naluha sa ginawa nina Angela para matulungan siya.

Nang pababa na si Angela, narinig na lamang niyang nagpasalamat ang tsuper. Ngumiti lamang siya ngunit habang papalayo, naiyak din siya sa tindi ng emosyon sa naganap sa jeep.

Sa nangyaring ito, nagpapaaalala lamang na dapat maging mabuti kanino man, anuman ang estado niya sa buhay. Hindi natin alam ang pinagdaraanan ng bawat isa sa pang-araw- araw kaya nararapat lamang na magpakita ng kabutihan sa anumang pagkakataon.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
'Payslip' ng magsasakang Pinoy, isiniwalat ng isang netizen

'Payslip' ng magsasakang Pinoy, isiniwalat ng isang netizen

'Payslip' ng magsasakang Pinoy, isiniwalat ng isang netizen
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel