"He fought clean," Toni Gonzaga sa laban ni Daddy Bonoy sa eleksyon 2019

"He fought clean," Toni Gonzaga sa laban ni Daddy Bonoy sa eleksyon 2019

- "He fought clean," ang isa sa mga tugon ni Toni Gonzaga tungkol sa resulta ng laban ni Daddy Bonoy sa eleksyon 2019

- Pinili ni Toni ang positive side sa pagkatalo ng kanilang ama ni Alex Gonzaga sa mayoralty race

- At prepared na raw ang buong Gonzaga family sa magiging resulta simula pa lang

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napag-alaman ng KAMI ang tugon ni Toni Gonzaga tungkol sa resulta ng laban ni Daddy Bonoy sa mayoralty race ng Taytay, Rizal sa katatapos lang na eleksyon 2019.

Ito raw ang sagot ng Ultimate Multimedia Superstar sa ambush interview pagkatapos ng press conference sa bagong hitsura ng 'Home Sweetie Home.'

Pinili umano na tingnan ni Toni ang positive side ng pagkatalo sa kanyang daddy sa midterm elections.

Simula pa raw ay handang-handa na ang kanilang pamilya sa magiging resulta sa halalan 2019.

Ani pa ni Toni sa panayam ni Krissy Aguilar ng entertainment.inquirer.net:

“Prepared kami sa outcome from the very start, prepared na ‘yung family namin and my dad did his best. He fought a good fight. He fought clean."

Kaugnay dito ay nagpapasalamat ang PBB Otso host sa pagmamahal at suporta na natanggap nila at sa katotohanan daw na ligtas ang kanyang ama.

“After everything that he has been through and what we have witnessed during the whole campaign, the only thing that we are grateful for is that my dad is still alive and he’s still with us."

Dahil dito ay tinanong si Toni kung nakatanggap ba ng mga death threats si Daddy Bonoy during sa campaign.

At sagot naman ng fast-rising YouTube vlogger:

“I don’t want to go in to details about the whole situation that happened but what I really want to say is I’m grateful.”

Patuloy pa na tugon ng 35-year-old mom:

“I’m grateful sa love and support na nakita namin. I’ve never seen this much love and support mula sa kababayan namin and that is enough for me."
“Mas masaya kami actually kasi mas makakasama na namin siya lagi. ‘Pag nagtravel kami, hindi na siya uuwi nang maaga kasi lagi niya kaming iniiwan e ‘pag nagtatravel kaming family kasi nga may responsibility siya."

Naging Sanggunian Kabataan at Barangay Kagawad ng one term noon si Toni Gonzaga.

Ang ama nina Toni Gonzaga at Alex Gonzaga na si Vice Mayor Carlito "Bonoy" Gonzaga ay tumakbong mayor sa bayan nila sa Taytay, Rizal sa katatapos lang na eleksyon 2019.

Ang incumbent mayor na si Joric Gacula ang na-reelect, ayon pa sa balita.

POPULAR: Read more news about Toni Gonzaga here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team had an exclusive interview with Madam Kilay about her new Afam, recently, watch it below.

Get more exclusive celebrity interviews, and exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
It's Showtime hosts show their cute "baby" versions courtesy of a mobile app filter

It's Showtime hosts show their cute "baby" versions courtesy of a mobile app filter

It's Showtime hosts show their cute "baby" versions courtesy of a mobile app filter
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel