Service crew, pinakain at inihatid pa pauwi ang 1 matandang customer

Service crew, pinakain at inihatid pa pauwi ang 1 matandang customer

-Agad nagviral ang isang post tungkol muli sa isang service crew na nagbigay ng kanyang extra service sa kanilang customer

-Hinangaan ng marami ang service crew matapos nitong tulungan ang isang matandang customer

-Bukod rito, napag-alamang inabonohan pa pala nito ang order ng matanda

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi na bago ang maka-encounter tayo ng mga service crew na handang ibigay ang kanilang serbisyo para sa kanilang mga customer ng buong lugod.

Katulad na lamang ng isang service crew na Jollibee na bida sa post ng Facebook page na Hanep TV.

Ayon sa post, tinulungan nito ang isang matandang customer na hirap nang kumilos dahil sa panghihina dala na rin ng kanyang edad.

Alam naman ng lahat kung gaano ka-abala ang mga nagta-trabaho sa ganitong industriya lalo pa at sa isang kilalang fast food chain tulad ng Jollibee.

Ngunit kahit na ganoon, hindi pa rin daw nag-atubili ang crew na tulungan ang matanda kahit pa ang subuan ito ng pagkain, na makikita pa sa larawang kasama ng post.

Inasikaso nito ng husto ang matanda at tiniyak na makakain ito ng maayos.

Sa kabutihang-palad ay maging ang manager nito ay may ginintuan ring puso dahil maging ito ay tumulong rin sa matanda.

Magkasama pang inihatid ng dalawa ang matanda hanggang sa makauwi ito sa kanilang bahay, ayon pa rin sa post.

Kung tutuusin ay hindi na ito sakop ng kanilang trabaho ngunit mas pinili pa rin nila ang maging makatao.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Tunay ngang buhay na buhay pa rin ang pagbabayanihan sa ating mga Pilipino.

Kaya naman hindi kataka-taka na hangaan ng mga netizens ang dalawa.

"God bless you kuya crew for your kindness. Thank you also jollibee... your employees from the manager to crews are really service oriented to the needy. More blessings to come Jollibee!!!"

"God bless sir crew and managerof jollibee."

"Nice one..sna lhat ng crew ng jollibee ganyan kbait...god bless u kua at kay manager mo."

"God bless sayo kuya crew saludo ako sayo pagpalain ka ng maykapal."

"I salute you ..both of you ..nakakatouch!huhuhuhehehe! .ang babait ninyo .godbless you."

"Wow bait nman ni kuya sana katulad mo amg karamihan marunong tumulong god bless po."

"Kapuripuri ka keep up the good work."

"Another service with the heart! God bless Po s inu!."

"C lord na po bahala sa inyo sana ganyan mga kabayan lalo na sa matanda."

" I salute sa manager at crew also sa jolibee dahil parunong kayo mag alaga ng empleyado marunong din cla mag alaga ng costumer."

"Yan dapat na manager hnd mapagmataas. Ung iba kasi crew kahit gustuhin tumulong d magawa at takot mapagalitan ng manager!! Salute to both of u!"

"Madami pa din mabubuti tao saludo ako syo kuya at sa manager mo God bless you both."

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lovi Poe shows followers the fantastic view from her new condo unit

Lovi Poe shows followers the fantastic view from her new condo unit

Lovi Poe shares breathtaking view from her new condo unit
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel