Sepulturero, nasungkit ang pagiging number 1 councilor sa Taal

Sepulturero, nasungkit ang pagiging number 1 councilor sa Taal

- Isang sepulturero ang pinalad na maging isang konsehal sa katatapos lamang na eleksiyon

- Nasungkit niya ang pagiging number 1 councilor sa Taal

- Sabi ng mga tagasuporta ni Kuya, marami raw siyang tinutulungan sa kanilang lugar

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang sepulturero ang puwede nang magpaalam sa kanyang kinagisnang trabaho dahil nanalo siya bilang councilor sa Taal.

Nalaman ng KAMI na ang 61-anyos na si Arnel Garces ay tumakbo bilang independent candidate noong Halalan 2019.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN, apat na dekada na raw na nagtatrabaho si Garces bilang sepulturero.

Kadalasan, sa kanya tumatakbo ang mga tao na namatayan para humingi ng tulong.

Sabi nga ng isang taga Taal, Batangas, marami raw natulungang tao si Garces.

"Marami 'yang tinulungang tao sa amin dito. 'Yan lamang ang aming inaasahan dito," saad ni Gilbert Agrade.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

May tatlong anak si Garces at dahil sa paghuhukay ng nitso, napagtapos niya sila ng kanilang pag-aaral.

Ayon pa sa isang residente, nakita daw niya ang kasipagan ni Garces, pati na ang katatagan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Si Garces naman ay di makapaniwala sa kanyang nakuhang boto dahil noong tumakbo siya sa barangay elections ay di rin siya nanalo.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Isa pa, independent candidate siya at tanging siya, kasama ng asawa niya, angkas ang motorsiklo ang nangampanya mula alas-6 ng umaga hanggang 9:30 ng gabi.

Kahirapan ang unang problema na nais tututukan ni Garces. Maraming netizens ang humanga sa sipag at tiyaga ni Mang Garces.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Watch what Madam Kilay will say about her new Afam in an Exclusive Interview: Madam Kilay's New Afam | HumanMeter Watch it here

Source: Kami.com.ph

Related news
Video ng baby na nakiki-kanta ng "Buwan", mahigit 5 million views na

Video ng baby na nakiki-kanta ng "Buwan", mahigit 5 million views na

Video ng baby na nakiki-kanta ng "Buwan", mahigit 5 million views na
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel