Larawan ng babaeng naka-maiksing shorts sa jeep, pinagtalunan ng netizens

Larawan ng babaeng naka-maiksing shorts sa jeep, pinagtalunan ng netizens

- Binatikos ng isang lalaking netizen ang pagsusuot umano ng isang babae ng maiksing shorts na sumakay pa ng pampublikong sasakyan

- Bumwelta naman ang isang netizen na babae at sinabing dapat pa ring irespeto ito ng lalaki

- May ilan din namang nakapansin na artista ang babae sa larawan na lalong pinagmulan ng argumento

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang post ng isang netizen patungkol sa babaeng nakasuot ng maiksing shorts at nakasakay pa ito sa jeepney.

Unang gumawa ng ingay ang pambabatikos umano ni Richard Lacaba Rendora sa suot ng babae na di raw nararapat.

Ito raw umano ang nagiging dahilan upang di ito i-respeto ng mga kalalakihan. Dahil daw sa pananamit ng babaeng ito, at kung sila naman daw ang na-bastos, sila pa ang nagagalit.

Dahil sa ganoong klaseng kasuotan, madaling nahuhusgahan ang babae na nagiging mitsa pa ng kanyang kapahamakan.

Bilang pagrespeto rin daw sa kanyang sarili, dapat lamang na piliin ng babae ang kanyang susuotin.

Samantala, isang babaeng netizen naman nagtanggol sa tinutukoy ni Richard.

Ayon kay Ruselle Lagera Rendora, ang babaeng ito ay si Ivana Alawi, isang aktres na mapapanood sa ABS-CBN sa teleseryeng "Sino ang may sala, Mea Culpa."

Depensa ni Russelle, mali raw ang pambabatikos na ginawa ni Richard sa babae, artista man ito o hindi.

Anuman daw ang suot ng mga babae, karapat-dapat pa rin daw itong i-respeto.Sinabi pa ni Russelle na paninirang puri ang ginawa ni Russelle na kinunan pa ng larawan ang babaeng nasa jeep.

Samantala, nagbigay din ng saloobin ang mga netizens na ang karamiha'y pinagtanggol pa rin ang babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Gigil ako kala mo talaga pag nakapag post sya ng ganyan deretcho langit na sya eh"
"Natawa ako. Hahaha sa palusot ni kuya nung nakaraan nga may nakita ako dto sa fb mag post babae nakapantalon pero nabastos pa din sya anong sa pananamit nakabasi. Very funny you kuya"
"Hindi naman sila tinutukso porke nag shoshort tukso na agad?"
"Wag mo isisi sa kababaihan ang kahalayan ng pag iisip mo kuya. Kasi kahit anong isuot na babae, mababastos pa rin. Nabalitaan mo ba yung nirape na baby? Dahil din ba yun sa kasuotan nya?"

"Kung talagang concern c manong sana binigyan nya ng balabal c ivana pang cover s legs kesa kinuhaan nya ng picture at pinost p nya!"
"You made your point sir but does it make you feel better? Or does it make you a better person than her?"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures sa socmed

Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures

Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel