6-anyos na batang babae, patay matapos madaganan ng salamin sa isang mall

6-anyos na batang babae, patay matapos madaganan ng salamin sa isang mall

-Namatay ang isang 6-anyos na batang babae matapos itong madaganan ng isang salamin sa loob ng isang mall

-Ayon sa ulat, masyadong mabigat ang salamin na kinakailangan pang dalawang tao ang bumuhat rito

-Naisugod naman kaagad ang bata ngunit hindi na ito pa nakaligtas pa dahil sa tinamong pinsala

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Agad na binawian ng buhay ang 6-anyos na bata sa China matapos itong madaganan ng isang salamin sa loob ng isang mall.

Ayon sa ulat ng The Asianparents, namimili ang bata kasama ang mga magulang nito at lola nang mangyari ang insidente.

Nangyari ang aksidente sa loob ng clothing store na IT na nasa loob ng Foxtown mall, sa Feizhou International Building.

Nang bigla na lamang narinig ng ama ng bata ang pagsigaw ng kanyang asawa.

Agad tumakbo ang lalaki papunta sa kinaroroonan ng kanyang anak.

Nang maalis ang salamin sa pagkakadagan sa bata, wala na itong malay at sumusuka na ng dugo.

Isinugod pa ang bata sa Shanghai Sixth People’s Hospital na nasa malapit lamang ngunit hindi na nailigtas pa ang bata.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nagtamo ito ng serious brain injuries na naging dahilan ng kamatayan nito.

Ayon sa pahayag ng ina ng biktima, masyadong mabigat ang salamin na tumitimbang umano ng 50-60 kilos. Kinakailangan pa umano ng dalawang tao para mabuhat ito.

Wala rin itong suporta at nakasandal lamang ito sa isang bahagi ng tindahan.

Dahil dito, pansamantalang isinara ang clothing store at nakipag-ugnayan na din sa pamilya na bata.

Nagsagawa rin ng imbestigasyon ang mall at tiniyak na rin kung mayroon pang mga salamin sa loob ng mall na hindi ligtas para sa mga mamimili.

Maging babala sana ito sa mga magulang, hindi porke nasa loob ng isang establisyemento katulad ng isang mall ay makakasiguro na sa kaligtasan ng mga bata.

Maging mapanuri tayo sa paligid lalo na sa mga bagay na posibleng makapanakit o makapag-pahamak sa kanila katulad ng mga salamin at hagdan o escalator.

Kung hindi maiiwasan na isama ang mga bata sa mall, huwag hayaang mawala ang atensyon sa mga ito lalo na sa mga edad na malikot pa.

6-anyos na batang babae, patay matapos madaganan ng salamin sa isang mall

Photo source: Screen grab from The Asianparent
Source: Facebook

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Babae, naparalisa dahil sa stress at labis na pagtatrabaho

Babae, naparalisa dahil sa stress at labis na pagtatrabaho

Babae, naparalisa dahil sa stress at labis na pagtatrabaho
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel