Pintor na walang sariling art shop, nag-iikot at nag-aalok ng drawing sa halagang ₱150

Pintor na walang sariling art shop, nag-iikot at nag-aalok ng drawing sa halagang ₱150

- Nag-iikot ang isang matandang lalaki para mag-alok na drawing sa halagang ₱150

- Sa una'y natakot pa raw ang netizen sa paglapit ng pintor dahil di ito nagpahayag ng kanyang motibo sa paglapit

- Mura lamang ang halaga ng drawing ng matanda kaya naman sana raw ay dagdagan manlang ito ng mga magpapagawa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nag-viral ang kwentong binahagi ng isang netizen patungkol sa isang matandang pintor na nag-iikot para mag-alok na iguhit ang makikilala.

Sa post ni Maeriel Aquino, aminado siyang natakot nang bigla na lamang lumapit sa kanila ang isang matandang lalaki.

Tumabi pa ito sa pinsan ni Maeriel na kasama niya nang araw na iyon at hinaplos pa ng matanda ang buhok ng bata.

Sumunod na tinanong nito kung kaarawan ba ng bata at maganda ang suot nito. Sinabi naman ni Maeriel na mahilig lamang talaga ito sa 'Disney Princess' kaya tuwing lumalabas, nakabistida talaga ito.

Dahil di pa rin sila komportable sa matanda, tinawag na ni Maeriel ang kanyang tiyo para ito na ang makipag-usap sa lalaking di kilala.

Doon nalaman nilang gumuguhit pala ito. Pinaliwanag niya na wala lang daw siyang pwestong makuha kaya naman nag-iikot na lamang siya para mag-alok ng pagguhit.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

₱150 lamang ang halaga ng magandang obra ng matanda. Halos kuha nga nito ang mukha ng batang si Kendra na kinatuwa rin ng bata.

Binanggit din ni Maeriel na nasa Scrapyard restaurant ang pintor tuwing Sabado at Linggo at mula Lunes hanggang Biyernes nasa SM Angono naman siya.

Humanga ang netizen kaya naman sana, kung sinuman ang mga magpapagawa kay tatay Art Cuvinar, dagdagan na lamang daw ito para na rin tulong sa matanda.

Umani na ng 49,000 reactions ang post at ang karamihang komento ay patungkol sa kung paano sila makakapagpaguhit para na rin makatulong sa matanda.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel