Isang Pinoy, nanalong mayor sa isang bayan sa United Kingdom

Isang Pinoy, nanalong mayor sa isang bayan sa United Kingdom

-Pilipino ang bagong alkalde ng East Grinstead sa Sussex, UK

-Ang Pinoy na si Danny Favor ang nakasungkit ng posisyon, na isang tubong Camarines Sur

-Dati na itong nagsilbi bilang councilor sa nasabing bayan sa loob ng tatlong termino

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Nakaka-proud para sa ating mga Pilipino ang tagumpay ng isa nating kababayan sa England sa United Kingdom.

Si Danny Favor na tubong Camarines Sur ang nakasungkit ng posisyon sa pagka-alkalde sa East Grinstead sa Sussex.

Pinalitan nito si Rex Whittaker. Ginanap ang official handover ng posisyon sa isang annual council meeting noong May 15.

Napag-alaman ng KAMI na una nang nagsilbing councilor sa nasabing bayan si Favor sa loob ng tatlong termino.

Ayon sa isang ulat ng GMA News, itinuturing daw ni Favor na isang karangalan ang kaniyang pagkapanalo.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Nais rin daw nitong maging isnpirasyon para sa ibang Pilipino sa UK.

Siya rin ang presidente ng Filipino-British Association at dating ophthalmic nurse practitioner sa Queen Victoria Hospital NHS Foundation Trust.

Nagtapos muna ito ng pag-aaral sa Pinas bago nangibang-bansa.

Matagal na itong naninirahan doon at noong May 2011, gumawa ng istorya si Favor nang maging kauna-unahang town councilor sa nasabing bayan.

Kinilala rin ng Philippine Embassy ang kanyang tagumpay noong ding 2011.

Noong 2014 naman, natanggap ni Favor ang Presidential Banaag Award na kumikilala kontribusyon ng mga overseas Filipino individuals o mga organisasyon sa OFW communities or sectors.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Glow from within! Pia Wurtzbach, glowing sa isang New York-based luxury magazine pages

Glow from within! Pia Wurtzbach, glowing sa isang New York-based luxury magazine pages

Glow from within! Pia Wurtzbach, glowing sa isang New York-based luxury magazine
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel