Jinggoy Estrada, "biggest problem" sa kandidatura ng kapatid na si JV Ejercito

Jinggoy Estrada, "biggest problem" sa kandidatura ng kapatid na si JV Ejercito

-Posible raw na ang pagtakbo ng kanyang kapatid sa ama na si Jinggoy Estrada ang dahilan kung bakit nahirapan makapasok sa Magic 12 si JV Ejercito

-Sa isang panayam, inamin ito ni JV sa media

-Ang ilan pa sa miyembro ng kanilang pamilya ay nalaglag din ngayong eleksyon kabilang na ang kanilang ama na si Erap Estrada

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maituturing daw na "biggest problem" ng kanyang kandidatura ang pagtakbo rin ng kapatid sa ama na si Jinggoy Estrada, ayon mismo kay Senator JV Ejercito.

Sa isang panayam ni Jam Sisante-Cayco ng GMA News sa senador, inamin ito ni Ejercito.

"I think that was the biggest challenge. The biggest problem. Natural 'yun eh, bihira ang boboto ng dalawa, kasi dose 'yan. Pipili lang 'yan ng isa," anito.

"Kahit konsehal, board member, kagawad, 'pag tumakbo ang magkapatid. Natural 'yan, either mamili ng isa o kaya may malilito," dagdag pa ng senador.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Matatandaang nahirapang makapasok sa Magic 12 si Ejercito sa mga partial and unofficial results.

Ngunit sa second partial and official results of the Senatorial race, na una nang naibalita ng KAMI, pumasok na si Ejercito na nasa ika-11 pwesto.

Samantala, laglag rin ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya. Talo sa pagka-alkalde ng San Juan ang anak ni Jinggoy na si Janela. Talo rin sa pagka-gobernador ng Laguna si ER Ejercito.

Maging ang kanilang padre de pamilya na si Joseph Estrada tinalo ni Isko Moreno sa pagka-alkalde ng Maynila na una nang naibalita ng KAMI.

Si Joseph Victor "JV" Gomez Ejercito ay anak ni outgoing Mayor Erap Estrada sa dating aktres at outgoing San Juan Mayor na si Guia Gomez.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel