Pekeng medcert, bistado dahil sa maling spelling ng karamdamang nakasulat dito

Pekeng medcert, bistado dahil sa maling spelling ng karamdamang nakasulat dito

- Bistado ang pekeng medical certificate dahil sa maling spelling ng karamdamang nakasaad dito

- Agad na nagmensahe ang doktor ng kompanya kung saan nagtatrabaho ang empleyadong nagsumite nito sa clinic na nakasulat sa medical certificate

- Kinumpirma ng clinic na peke ang dokumento ang mananagot ang gumagawa nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng isang company doctor ang pekeng medical certificate na isinumite sa kanya ng isang empleyado para maaprubahan ang sick leave nito.

Sa viral post ni Dr. Mamerto Sueña Jr., pinakita niya ang medical certificate na may nakasulat na "Mindgrain". Dito pa lang, nagduda na ang doktor kaya naman agad niyang pinadalhan ng mensahe ang clinic upang kumpirmahin kung mula ba talaga sa kanila ang medical certificate.

Umamin ang empleyado na nakuha lamang niya ang pekeng medical certificate sa tauhan ng clinic sa halagang ₱200.

Kinumpirma din naman ng clinic na sa kanila nga nagtatrabaho ang tauhang tinutukoy ng empleyado at talagang nag-i-issue nga ito ng medical certificate sa nabanggit na halaga.

Magsilbing aral na raw ito sa mga empleyado na huwag nang pamarisan ang ganitong gawain.

Samantala, di maiwasang maging tampulan ng katatawanan ang maling spelling ng nakasulat na karamdaman ng empleyado.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga mga komento ng netizens:

"200php medcert katumbas ng 8hrs na bayad sayo sa company, pag approved. Kaya next time dapat sa legit"
"hahahaha may mindgrain nga!!!"
"Bagong medical term yan nde kasi kayo updated"
"Dapat kasi magre research ng tamang spelling"
"mind grain." Matindi ba to master doc?"
"eh yung medical certificate na obvious na ginawa lang sa excel at hindi pa tinanggal yung cells tapos sasabihin galing sa doctor niya? Hahahaha"
"Sasakit talaga ang utak mo sa spelling susko LBM na lang sana"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Pagtulak ng isang babae sa pari habang ito'y nagmimisa, sapul sa video

Pagtulak ng isang babae sa pari habang ito'y nagmimisa, sapul sa video

Pagtulak ng isang babae sa pari habang ito'y nagmimisa, sapul sa video
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel