OFW, nagmakaawa sa misis na nangaliwa para mabuo ang kanilang pamilya

OFW, nagmakaawa sa misis na nangaliwa para mabuo ang kanilang pamilya

-Nais pa raw sanang mabuo ng OFW na si Lance ang kanilang pamilya na nasira dahil sa pangangaliwa ng kanyang misis

-Kaya naman titiisin niya na lang daw ang mga masasakit na salita ni misis

-Ngunit ang kanyang asawa, nanindigan na hindi na makikipagbalikan sa kanya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Labis na naawa si Raffy Tulfo sa isang complainant na OFW sa programang Aksyon dahil sa dinaranas nito dahil sa asawa.

Reklamo ni Lance Julian, OFW mula sa Qatar, nais niya sanang mabuo ang kanyang pamilya kaya maaga niyang tinapos ang kanyang kontrata sa ibang bansa.

Napag-alaman kasi nito na may iba nang kinakasama ang kanyang misis na si Aidalyn Julian na naiwan sa Pilipinas.

Anito, magkasama sila sa iisang bubong ngunit wala itong ibang bukang-bibig kung hindi ang lalaki nito.

Harap-harapan pa daw sinabi sa kanya ng misis na mas mahal nito ang lalaki nito kaya nais na nitong makipaghiwalay kay Lance.

Nang makausap naman ni idol Raffy si Aidalyn, hindi na nito itinanggi pa na may iba nga itong karelasyon.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ngunit iginiit nito na kaya niya nais humiwalay kay Lance ay dahil sa panunumbat raw sa kanya nito.

Ang lalaki na kinilalang si Rey Sarsaba, sinabi namang hiwalay na sila ni Aidalyn. Giit pa nito, hindi niya kontrolado ang pag-iisip ng babae kung nakikipag-hiwalay na ito kay Lance.

Bagay na hindi pinaniniwalaan ni Lance dahil mismong si Aidalyn na ang umamin na mas mahal niya ang kalaguyo kumpara sa kanyang mister.

Hindi rin daw ito naniniwala sa sinasabi ni Rey na matagal na silang hiwalay dahil nalaman ng mga ito na uuwi na siya.

Sa huli, sinabi na lamang ni idol Raffy ang mga konsekwensiya ng kanilang ginawang pangloloko kay Lance.

Sa isang bahagi ng programa, binigyan pa ni Lance ng pagkakataon si Aidalyn na buuin ang kanilang pamilya ngunit mariin itong tinanggihan ng huli.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Seaman, pinaretoke si misis, pero nang gumanda'y pinagpalit siya kay general

Seaman, pinaretoke si misis, pero nang gumanda'y pinagpalit siya kay general

Seaman, pinaretoke si misis, pero nang gumanda'y pinagpalit siya kay general
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel