Parking boy na nag-ipon ng ₱175 para makakain sa restaurant, hinangaan ng netizens

Parking boy na nag-ipon ng ₱175 para makakain sa restaurant, hinangaan ng netizens

- Viral ang ginawa ng isang parking boy para makakain sa isang restaurant

- Imbis na ilibre, tinanggap ng restaurant ang bayad ng bata para maturuan ito ng aral sa buhay

- Humanga rin ang mga netizens sa parking boy dahil di ito basta nanghingi at pinaghirapan nito ang bagay na nais niyang makuha

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Natunaw ang puso ng mga netizens sa ginawa ng isang parking boy na malapit sa isang restaurant.

Binahagi ng Yumgyeopsal-Baliwag Branch ang kwento ng bata kung saan nagawa nitong magbayad para lang makakain sa naturang restaurant.

Kadalasan daw humihingi ito ng yelo o iced tea na pinagbibigyan naman nila dala ng awa sa bata.

Isang araw, laking gulat na lamang nila nang magtanong ang bata kung magkano ang kailangan niya para kumain sa restaurant.

Pinaliwanag ng mula sa Yumgyeopsal na kung may 4 ft. pataas na ang customer regular na ang bayad nito.

4 ft na ang bata ngunit sinabi nialng magbayad na lamang ito ng ₱175. Umalis ang bata at bumalik na dala ang mga baryang nagkakahalaga ng ₱175.

Pinakain nila ang bata at binigyan ng libre cheese at ice cream. Bakas ang kaligayahan ng bata na sa wakas, nakakain ito sa restaurant na madalas niyang bantayan ang parking space.

Binigyang linaw din ng Yumgyeopsal na kaya tinanggap nila ang bayad ng bata ay para turuan ito ng aral sa buhay na kung may nais makamit, nararapat lamang na ito'y paghirapan.

Isa pang aral na nakuha nila ay pangyayaring ito ay ang paminsan-minsan na pagbigyan ang sarili na makaranas ng ginhawa lalo na sa pagkain.

Humanga rin ang mga netizens sa viral post na ito. Ang ilan ay naantig sa kwento habang ang karamihan naman ay humanga sa bata maging sa ginawa ng Yumgyeopsal dito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

"Thumbs up for the YUMGYEOPSAL and big love for the kid"
"Very good bebe boi! Nothing is free and if u want something work hard for it and pay for what u ordered. Buti pa yung bata...hmmmm lemmee treat my self nga...."
"Goodjob little man! You deserve it. Enjoy your meal"
"I salute this kid!! You inspired my day..Thank you, You teach me a lot.."
"This is actually awesome, Good Job Yumgyupsal and also GOOD JOB LITTLE BOY sa pagpupursigi para makuha ang gusto nothing is as sweet as gaining or getting something from what you have worked hard for!"
"Kudos to you guys for being a kind hearted restaurant. I salute to you for teaching this kid a lesson in life and also accepting him into your establishment "
"Kudos to the restaurant for your good deed! I'm sure may important lesson natutunan dito yung bata"
"Nothing comes free, you have to work for it. Good Job guys! You taught him a lesson while he’s still young. Kudos din sa freebies."
"Great! Teaching them the value of everything in anything!"
"Thank you so much for sharing this, super nakaka inspired po"
"Saludo ako sayo kid. Godbless you more. You teach us a valuable lesson, If mababasa mo man to. Pm mo ako. Libre kita. Mag foodtrip tayo"

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel