Ex-boyfriend, 'di maka-move on kaya panay pa rin daw ang habol sa kanya

Ex-boyfriend, 'di maka-move on kaya panay pa rin daw ang habol sa kanya

-Pinagbantaan daw si Ma. Cecilia Retita ng kanyang dating nobyo na sasabuyan ng asido kapag hindi siya bumalik dito

-Sinasaktan raw kasi siya nito kaya nais na niyang humiwalay dito

-Depensa naman ng lalaki, minahal niya lamang ito ng buo ngunit ipinagpalit siya sa foreigner

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Idinulog ni Ma. Cecilia Retita na mula sa Malolos, Bulacan ang kanyang problema sa dating nobyo sa programang Aksyon.

Ayon kay Cecilia, nais na niyang makalayo sa dating nobyo na si Joselito Calma ngunit tila ayaw nitong pumayag.

Pinupuntahan pa raw siya ni Joselito sa bahay ng kanyang tiyahin para manggulo at pinagbabantaan pa raw siya nitong sasabuyan ng asido.

Pinapipili rin daw siya ni Joselito kung sasama siya rito o magbibigay siya ng P3,000 dito kada linggo.

Maging sa kanyang pinagta-trabahuhan ay nanggugulo umano si Joselito.

Lahat ng ito, itinanggi ni Joselito nang magsadya mismo ito sa tanggapan ng Raffy Tulfo in Action, isang araw matapos magreklamo ni Cecilia.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Giit niya, nais lamang daw makawala sa kanya ni Cecilia dahil mayroon na itong ibang lalaki.

Kaya naman masama ang loob nito dahil anito ay minahal at lubos na pinagkatiwalaan niya ang dating nobya ngunit niloko rin siya nito.

Minsan na rin daw siyang inutusan ni Cecilia na patayin ang dati niyang live-in partner kung hindi umano ito papayag na umalis sa bahay ni Joselito.

Bagamat inamin ni Cecilia na mayroon na siyang ibang nobyo, itinanggi naman nito ang iba pang akusasyon ni Joselito.

Sa huli, pinayuhan na lamang ni Raffy Tulfo si Joselito na tuluyan nang kalimutan si Cecilia at huwag na itong manggulo pa.

Posible kasi na makasuhan pa siya nito lalo pa at dalawang beses na siyang na-ipa-blotter ng ex at hindi rin naman daw sila kasal.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel