Ilang guro sa Tarlac, bantay sarado pa rin ang mga VCM 2 araw matapos ang eleksyon

Ilang guro sa Tarlac, bantay sarado pa rin ang mga VCM 2 araw matapos ang eleksyon

- Binahagi ng ilang guro ang naging aberya sa kanilang lugar

- Inabot na ng dalawang araw ang kanilang pagbabantay sa mga ito para sa seguridad ng mga balota

- Sinasabing ito ay dala ng kapalpakan ng Comelec sa katatapos lang na eleksyon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

May ilang guro sa Tarlac ang nagbahagi ng kanilang larawan na dalawang araw na ang lumipas at di pa rin nakukuha o naihahatid sa tamang kalagyan ang mga vote counting machines ng kanilang presinto.

Inabot na ng Mayo 15, bantay sarado pa rin ng gurong si Zeny Pascua at kanyang mga kasama ang mga vote counting machines ng kanilang presinto.

Mapapansin ding mayroon na silang mga sapin na nilatag kung saan marahil sila natulog mabantayan lamang ang mga balota.

Ayon sa Alliance of Concerned Teachers Philippines o ACT, makatatanggap ng karagdagang honoraria ang mga gurong ito na labis labis na oras na ang nilaan para sa eleksyon.

Sinisi rin nila ang di umano'y kapalpakan ng Comelec lalo na sa katatapos na eleksyon dahil sa sandamakmak na mga naging aberya.

Wala pa umano ang sundo ng mga guro upang maayos na madala ang mga VCM na ito sa city hall.

Samantala, mas lalong humanga ang mganetizens sa pinakitang katatagan ng mga gurong ito sa pagsisilbi sa eleksyon.

Di biro at halos buwis buhay ang ginawa nila upang masigurong maayos at mapayapa ang proseso ng eleksyon sa kanilang lugar.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens na nakakita sa mga larawan ng guro:

"wawa naman mg maams nto!! double their honoraria dapat"
"Kawawa naman mga kaguruan. Good job po mga maam!"
"salute kahit natutulog hawak pa rin ang ballot box"
"Ginagawang mga aliping sagigilid at aliping namamahay ang mga guro"
"Kawawa naman..we were one of the few lucky ones na naayos kaagad ang vcm.."
"Palaging huli teachers sa bnepisyo.. pero una sa rklamo .haha.. gngmit lng tau plgi ng mga kung sino sino sa pulitiko. Wla dn nman sila mgawa eh.. kundi nalang ntn aliwin mga srli ntn sa gntong mga bagay.. keep it up mga real bayani.. wlang kayang gmwa ng mga gawain ntn.. pero ung rklamo nla.. mas mdmi pa sa tasks ntn.."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Glow from within! Pia Wurtzbach, glowing sa isang New York-based luxury magazine

Glow from within! Pia Wurtzbach, glowing sa isang New York-based luxury magazine

Glow from within! Pia Wurtzbach, glowing sa isang New York-based luxury magazine
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel