21 Famous Pinoy celebrities na pinasok ang mundo ng pulitika

21 Famous Pinoy celebrities na pinasok ang mundo ng pulitika

Dahil katatapos lang ng eleksyon 2019 at marami sa mga nanalong politicians ay galing sa showbiz world, muling sisilipin ng KAMI ang 21 famous Pinoy celebrities na pinasok ang mundo ng pulitika.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sila ang mga kilala at super sikat na mga showbiz personalities at media celebrities na pinili ring tahakin hindi lang ang mundo ng pinilakang tabing o TV kung di pati na rin ang mundo ng pagsisilbi sa mamayang Pilipino at sa bansa.

1. Manny Pacquiao

Ang boxing world superstar na si Manny Pacquiao ay isa sa mga sikat na Pinoy celebs na una naging congressman bago maging senador ng bansa.

2. Jinkee Pacquiao

Ang butihing maybahay naman ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao ay dating vice governor naman ng Sarangani Province, ayon pa sa news source na gmanetwork.com.

3. Tito Sotto

Ang isa sa mga miyembro ng TVJ at Eat Bulaga dabarkads na si Tito Sotto ay ang kasalukuyang Senate President.

4. Richard Gomez

Ang Adonis ng Philippine entertainment na si Richard Gomez naman ay ang reelected mayor ng Ormoc City sa halalan 2019.

5. Lucy Torres

Ang dyosa naman sa kagandahan at maybahay ng Adonis ng Pilipinas na si Lucy Torres-Gomez ay tila babalik sa kanyang puwesto bilang congresswoman ng 4th district ng Leyte.

Nangunugan ang magandang misis ng reelected Ormoc City Mayor sa listahan na may mahigit sa 100k na lamang as of 4:01 p.m, as of writing, May 15, 2019, with 99.94% election returns.

6. Vilma Santos

Mukhang sigurado na rin ang 2nd term ng Star for All Seasons na si Vilma Santos bilang congresswoman sa 6th district ng Batangas, ayon sa halalanresults.abs-cbn.com.

As of writing, mayroon ng 92,945 si Ate Vi kontra sa 58,890 votes ng kalaban mula sa 96.03% election returns.

7. Lito Lapid

Tila magkakaroon na naman ng malakang chance na makakaupo si Pinuno ng Ang Probinsyano na si Lito Lapid sa senado.

Top 7 ang aktor sa listahan ng mga senador at nakakuha ng 16,635,819 votes mula sa 96.54% election returns, as of writing.

8. Bong Revilla Jr.

Isa rin sa hoping na makabalik sa senado ay si Bong Revilla Jr.

Nasa top 10 pa rin si Bong sa partial, unofficial list ng halalan 2019 at nakakuha siya ng 14,306,939 votes, as of writing, from 96.54% election returns.

Pero sa partial, official results mula sa Comelec ay nasa top 14 siya at mayroong 1,997, 438 votes, as of 9:00 p.m, Tuesday night, May 14, 2019.

9. Joseph Estrada

Ang action star na si Joseph Estrada ay naging labingtatlong presidente ng Pilipinas at naging Mayor rin ng Maynila.

Pero natalo ngayong eleksyon 2019.

10. Edu Manzano

Ang Probinsyano star, actor, at host na si Edu Manzano aya naging vice mayor ng Makati City, ayon pa sa news source.

Tumakbo siya sa senado noong 2016 elections at sa congress ngayong halalan 2019.

11. Joey Marquez

Si Joey Marquez naman ay naging municipal vice mayor, municipal mayor, at city mayor ng Parañaque.

12. Cristina Gonzalez-Romualdez

Ang dating aktres at mayor ng Tacloban City ay una ng nagpahayag na hindi siya tatakbo sa eleksyon 2019.

Saad pa niya:

"Well for now talaga, at since 9 years na rin akong councilor at 3 years of mayor... 12 years no, kasi I was a councilor, mayor's wife, it was quite hectic so, for me I would like really to rest muna now."

13. Marjorie Barretto

Dating Caloocan councilor si Marjorie Barretto.

14. Dingdong Avanzado

Ang isa sa mga OPM heartthrobs na si Dingdong Avanzado ay naging vice governor ng Siquijor hanggang 2016.

15. Fernando Poe Jr.

Tumakbo bilang president ng Pilipinas si Da King Fernando Poe Jr. noong 2004 bago yumao.

16. Alma Moreno

Ayon na rin sa kanyang profile sa Facebook page, "3 Termer Councilor of City of Parañaque

2007-2013."

17.Herbert Bautista

Si Herbert Bautista naman ay ang outgoing Mayor of Quezon City.

18. Imelda Papin

Ang kinikila raw na "Sentimental Songstress" na si Imelda Papin ay naging vice gover ng Camarines Sur ng dlawang termino at tumatakbo raw ngayon bilang isa reelectionist sa parehong posisyon.

19. Anjo Yllana

Ang dating Eat Bulaga dabarkad na si Anjo Yllana ay naging vice mayor ng Parañaque at ngayon ay ang Quezon City councilor ng 5th district.

20. Roderick Paulate

Naging Quezon City councilor si Roderick Paulate at tumakbong vice mayor noong 2019.

21. Toni Gonzaga

Si Toni Gonzaga nama o kilala sa bayan ng Taytay bilang si Celestine Gonzaga ay naing isang Sanggunian Kabataan at Barangay Kagawad ng one term bago pa maging isang Ultimate Multimedia Superstar.

Silipin rin ang '16 Pinoy celebrities na nanalo ngayong halalan 2019.'

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Jy Lin avatar

Jy Lin