Aktwal na pagtatanggal di umano ng masamang elemento sa nakulam na babae, sapul sa video

Aktwal na pagtatanggal di umano ng masamang elemento sa nakulam na babae, sapul sa video

- Nag-viral ang di umano'y pagwawaksi ng masamang elemento na nasa katawan ng isang babae

- Nagbigay paalala na ang kumukuha ng video na huwag mabahala at "iba" ang nasasaktan ang hindi ang mismong babae na naiiyak na sa sakit na nararamdaman nito

- Marami ang naniniwalang may mga bagay talagang dasal lamang ang makatutugon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Binahagi ng Facebook page na Holy Almighty One Church of Antipolo, Inc. ang video ng aktwal na paggagamot umano sa isang babaeng nakulam.

Ayon sa post, binahagi nila ito hindi para sumikat kundi para ipakitang may ganito pang nangyayari sa mundo natin ngayon.

Makikita sa video ang isang babae na di umano'y nakulam. Nagbigay paalala agad ang kumukuha ng video na huwag maawa sa babae kung ito man ay mukhang nasasaktan sapagkat di raw ito ang kanilang pinahihirapan kundi ang nasa loob nito.

Gumamit ang nanggagamot na kinilalang si Bro. Marcelo Devera ng mga posporo. Mapapansing di man ito sinindihan ngunit para bang napapaso ang babae at nasasaktan.

Halos sumigaw na ito habang umiiyak, at may pagkakataon ding sumusuka na ito. Nangangahulugang unti-unti na itong nililisan ng nagpapahirap sa kanya.

Dumating pa sa punto na tila ibang lenggwahe ang sinasabi ng nasa babae at tila nakikipagtalo pa ito sa manggagamot.

Umabot ng nasa mahigit 20 minuto ang paggagamot. Nang matapos, nagreklamo lamang ang babae na "mainit" at pinaliwanag ng gumamot na "sinunog" daw ang nasa loob nito.

Narito ang kabuuan ng video:

Samantala, karamihan sa mga nakapaanod ang naniniwalang dasal at pananampalataya ang nakatanggal sa masamang elemento na nasa babae.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Kinikilabutan aku don sa last Part te mae ahhh! Yung muka mo"
"Paulit ulit ko talaga pinapanood video ko kahapon..d ako makapaniwala..hanggang ngayon msakit buong katawan ko..lord salamat,sana gumaling na ako ng tuluyan..at parusahan nyo po ang gumawa at nag utos na ipakulam ako..."
"Salamat po at my mga taong katulad ninyi na biniyayaan ng upang makatulong sa mga tao, n may karamdamang hnd kayang pagalingin ng mga Dor, alam q ang pakiramdam ng hinuhusgahan ang kakayanan u! kapit lang sa panginoon"
"May nangyayare tlga kna ganyan.. pasalmat pa tayu kasi my mga taong ganyan. Na binigay nag dios para mkatulong"
"Ay gravi palaban nkakakilabot .. San po location u po.God bless.."

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Glow from within! Pia Wurtzbach, glowing sa isang New York-based luxury magazine pages

Glow from within! Pia Wurtzbach, glowing sa isang New York-based luxury magazine pages

Glow from within! Pia Wurtzbach, glowing sa isang New York-based luxury magazine
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel