Matindi 'to! Bagong abogada, mala-telenovela ang istorya

Matindi 'to! Bagong abogada, mala-telenovela ang istorya

-Hindi biro ang mga pinagdaanan ng isang abogada na nagbahagi ng kanyang istorya sa social media kamakailan

-Bago niya narating ang rurok ng tagumpay ay dumaan muna siya sa napakatinding pagsubok kasama na ang mawalan ng minamahal

-Ganunpaman, lakas-loob niyang ibinahagi ang mga hamon na hindi niya inatrasan hanggang sa kanyang tagumpay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Kung babalikan raw ni Dianne Pugao ang kanyang mga pinagdaanan malamang ay isipin niyang hindi niya ito kakayanin.

Ngunit sa kabutihang-palad naman ay napagtagumpayan niya ang lahat ng hamon na ito kahit pa nga ang isa sa kanyang sandigan ay maagang binawi sa kanya.

Nakatatak na raw sa isip ni Dianne na ang kanyang edukasyon ang magiging suki para mai-ahon niya sa hirap ang kaniyang pamilya.

"I had the notion that when I am on top, I would earn more. I thought I would find a great-paying job so I can keep my promise to my parents that our lives would be easier." anito sa kanyang Facebook post.

Kaya naman kahit na kaakibat ng lahat ng ito ay ang pagtitiis ay kanyang tiniis dahil iginapang lamang ng kanyang mga magulang ang kanyang pag-aaral.

"We had to borrow rice so we could have something to pair with our favorite ulams: asin at mantika, bagoong at mantika, toyo at mantika, basta may mantika.

"We had to swallow our pride if we wanted to fill our craving stomachs. Carbo at mantika lang ang nasa dugo namin kaya lahat kami matataba."

Ganunpaman, hindi binigo ni Dianne ang kanyang nanay at tatay dahil nakatapos siya ng Customs Administration sa International School of Asia & The Pacific in Cagayan.

Isa rin siya sa mga nanguna sa customs broker licensure exam at agad na nakakuha ng trabaho.

Ngunit kahit pa nga mayroon na siyang trabaho, hindi pa rin ito naging sapat lalo pa nga at tumutulong siya sa kanyang mga kapatid.

"Being a topnotcher did not guarantee me a good paycheck. I had to plan my budget strictly so I could support my sister in her remaining years in college, to help my other siblings, and to send money to my parents to buy new sets of shirts and pants. Parang OFW ba."

Subalit ang kanyang pagpupursige na mas matulungan pa ang kanyang pamilya ay hindi roon natapos.

Ipinagpatuloy niya ang kanyang pangarap na maging isang abogado at nag-enroll sa San Beda College of Law sa Mendiola street sa lungsod ng Maynila.

"After years of working, my savings were just enough for one semester in law school. Sabi ko, bahala na. Magpo-provide si God.

"I worked during the day and attended my classes in the evening. I would leave our office in Parañaque at 4pm so that I could be at San Beda by 5:30pm for my Criminal Law Class under “Judge E”."

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kinailangan din daw niyang humanap ng iba pang trabaho upang madagdagan ang kanyang kita.

"Ang dami ko pang naging trabaho magkapera lang. I would monitor trucking deliveries 24/7.

"I was even labeled as a walking call-center. Also, I would position myself in the classroom where my prof could not see me so I could still work during class."

Hanggang sa dumating na ang isa pinakamalaking dagok sa kanyang buhay.

"My father was hospitalized for several months in 2015 until he got his leg amputated. I remember how I cried along Mendiola Road out of exhaustion and frustration.

I had to work even more for my father’s operation and meds. Akala ko tapos na lahat ng hirap.

But last year (before my graduation), my father passed away because of cardiac arrest."

Pero tila sinusubukan talaga ang kanyang katatagan nang siya naman mismo ang maaksidente ang naospital.

"And few days after my graduation and before the Bar Review, I met a vehicular accident which crushed my knee and broke my thighbone.

"I suffered two fractures in my thighbone that I had to be put in traction for 14 days."

Hirap, depresyon at awa sa sarili ang sabay-sabay na naramdaman ni Dianne dahil dito.

Minsan na rin daw niyang naitanong kung bakit puro hirap na lang ang kanyang dinadaanan.

"I was about to give up my hope to take the bar but my friend, Monica, filed my bar application.

So I decided to go on with the bar exam. My mother expressed her concern over my decision. Sabi ko, “Kung namatay ako Ma, hindi na ako makakabalik."

Ngunit ang mga hirap at sakripisyo niya ay nagbunga na sa wakas at laking pasasalamat ni Dianne na nakayanan niya ang lahat.

Hindi niya nakalimutang magpasalamat sa lahat ng mga taong sumuporta sa kanya lalong lalo na sa kanyang mga magulang.

"My heart cannot contain all the gratefulness I have right now for all the people behind this feat."

Siyempre pa, 'di na rin niya pinalagpas ang pagkakataon na magpasalamat sa kanyang asawa na nanatiling nagmamahal at sumusuporta sa kanya.

"Above all, I give back all the glory and honor to the One Above, for without Him, I wouldn’t be here where I am today."

Narito ang buong post ni Dianne mula sa kanyang Facebook account:

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Vice Ganda calls on netizens to save Ryan Bang from being ‘removed’ on Showtime

Vice Ganda calls on netizens to save Ryan Bang from being ‘removed’ on Showtime

Vice Ganda calls on netizens to save Ryan Bang from being ‘removed’ on Showtime
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel