Mataray na babae, nanampal daw ng 1 staff noong eleksyon sa harap ng magulang nito

Mataray na babae, nanampal daw ng 1 staff noong eleksyon sa harap ng magulang nito

-Hindi matanggap ng isang dalaga ang pananakit sa kanya ng isang mataray na botante sa harap pa mismo ng kanyang mga magulang

-Kung kaya naman sa pamamagitan ng social media niya idinaan ang pagka-dismaya sa babae

-Umani naman ng pangbabatikos ang babaeng nanakit dito mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dismayado at puno ng hinanakit ang post ng netizen na si Kristin Baconawa matapos siyang sampalin daw ng isang mataray na babae sa harap pa man din ng kanyang mga magulang.

Sa pamamagitan ng social media, ipinabatid ng dalaga kung ano ang nangyari at ibinahagi rin ang ilang larawan ng babae.

Anito, bilang electoral Board Support Staff noong araw ng halalan, magiliw niyang in-assist ang babae nang pumasok ito ng kanilang presinto.

"I smilingly asked her “Yes po? Botante?”

"She exasperatedly replied “Magtatanong ako!”

"Then I humbly asked “Ano ho ba yung itatanong itatanong niyo? Saakin niyo na po tanong.”

"Then she went straight to the 3rd member’s table and said, “Ayoko sayo”"

Bagamat natarayan ay hinayaan na lamang daw niya ang pangyayari.

Ngunit nang umupo ito sa mga upuan na nakalaan para sa mga botanteng nakapila pa sa kabilang kwarto ay muli raw niya itong nilapitan.

Laking gulat niya nang magalit ito sa kanya at kung anu-anong masasakit na salita pa ang sinabi sa kanya.

Dahil nakakaabala na, isang board member ang tumawag na ng tulong para mapaalis ang babae.

Ngunit tumawag pa raw ito sa tiyuhin nito na isa umanong kapitan ng barangay at kinuhanan pa raw siya nito ng larawan.

Ngunit hindi pa natapos doon ang insidente dahil nagtagpo pa sila sa principal's office.

Nang ipapaliwanag na umano ng dalaga ang pangyayari ay bigla na lamang daw siya nitong sinampal gamit ang kanang kamay nito.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang masakit pa ay sa harap ng kanyang mga magulang na naroon rin dahil ang mismong principal ay ang nanay ng dalaga.

Agad naman umanong umawat ang mga ito ngunit nagkasundong huwag nang magreklamo laban sa mataray na babae.

Wala nang nagawa ang dalaga kung hindi ang umiyak na lamang habang ang babae naman ay panay ang hingi ng tawad sa kanyang mga magulang.

Kung anu-ano pang magagandang salita umano ang sinabi nito sa kanyang mga magulang na sa tingin raw niya ang DRAMA lamang nito.

Ang masakit pa, bagamat humingi naman ng tawad ang babae sa pananakit nito sa kanya ay hindi naman nito inamin ang kasalanan sa kanya at maging ang masasakit na salitang sinabi nito.

Narito ang kabuuan ng post ni Baconawa mula mismo sa kanyang Facebook account:

Nais ipabatid ng KAMI na bukas po kami sa kabilang panig ng istorya.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel