16 Pinoy celebrities na nangunguna at nanalo ngayong halalan 2019

16 Pinoy celebrities na nangunguna at nanalo ngayong halalan 2019

Sila ang mga nagwagi na mga Pinoy celebrities mula senador hanggang councilor sa katatapos lang na eleksyon noong May 13, 2019, na napag-alaman ng KAMI.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang iba sa kanila ay kumpirmado na ang panalo habang ang iba sa kanila ay nangunguna sa listahan, ayon pa sa partial, unofficial results.

As of May14, 2019 at 8:22 PM at mula sa 95.37% ng election returns, ang partial, unofficial results na nakuha ng halalan.abs-cbn.com sa Comelec data:

1. Grace Poe

Number 2 sa listahan ang unica hija nina Susan Roces at late King of Philippine movies Fernando Poe Jr. na may total votes na 21,465,102.

2. Lito Lapid

Former Ang Probinsyano star na si Lito Lapid ay nasa number 7 ng top 12 senatorial list at nakakuha ng 16,514,492.

3. Ramon “Bong” Revilla

Nakapasok sa top 10 si Bong Revilla na may 14,199,463 votes.

4. Lino Cayetano

Si Direk Lino Cayetano naman ang nangunguna sa mayoral race sa Taguig City na may 174,558.

5. Gian Sotto

Ang anak nina Helen Gamboa at Senator Tito Sotto na si Gian Sotto ay ang nanguna sa pagka-bise mayor na may 382,393 votes.

6. Alfired Vargas

Si Alfred Vargas ay nakakakuha ng 132,047 votes na naging dahilan para manguna sa pagka-congressman sa 3rd legislative district ng Quezon City.

Nagbigay pasalamat naman ang aktor sa pamamagitan ng video na nasa taas.

7. Isko Moreno

At 7:04 p.m. idineklara si Francisco "Isko Moreno" Domagoso bilang ang bagong mayor ng Maynila.

Nanguna si Isko ng 357,925 votes.

8. Yul Servo

Iprinoklama naman ang actor na si Yul Servo Nieto bilang kongresista sa 3rd district ng Maynila na nakakuha ng 65,000 votes.

9. Vico Sotto

Ang anak naman ni Eat Bulaga Bossing Vic Sotto at Coney Reyes ang newly-proclaimed mayor ng Pasig City na may 209,019.

10. Jhong Hilario

Si It's Showtime host at dating 'Ang Probinsyano' star na si Jhong Hilario naman ang nangunguna sa pagka-councilor ng 1st district ng Makati City.

Nakakuha si Jhong ng 90,525 votes with 100% election returns.

11. Jestoni Alarcon

Ang actor naman na si Jestoni Alarcon ang nangunguna sa pagka-board member ng probinsya ng Rizal sa 221,902 votes.

12. Jolo Revilla

Si Ramon Jolo Revilla III ay nakakuha naman ng 1,033,434 para pagka-vice governor sa Cavite.

13. Lani Mercado

Nangunguna ang maybahay ni Bong Revilla at ina ni Jolo Revilla na si Lani Mercado Revilla bilang mayor ng Bacoor City na may 141,848 votes.

14. Baste Duterte

Ang media personality naman at anak ni President Rodrigo Duterte na si Baste Duterte ay nakakuha ng 557,769 votes bilang vice mayor ng Davao City.

15. Lucy Torres

Nangunguna pa rin si Lucy Torres-Gomez na mayroon ng 177,938, 99.82% election results, as of writing, bilang ang congresswoman ng 4th legislative district.

Lamang si Lucy ng higit sa 100k votes sa kanyang kalaban.

16. Richard Gomez

Ang mister naman ni Lucy ang nangunguna pa rin sa pagka-mayor sa Ormoc City na may 77,573 votes with 99.49% election results.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Related news
Paggamit ng gadgets ng kabataan, dahilan ng pagkakaroon nila ng altapresyon

Paggamit ng gadgets ng kabataan, dahilan ng pagkakaroon nila ng altapresyon

Labis na paggamit ng gadgets ng kabataan, dahilan ng pagkakaroon agad nila ng altapresyon
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel