Supporters ni Chel Diokno, naging emosyonal sa pasasalamat ng kanilang pambato

Supporters ni Chel Diokno, naging emosyonal sa pasasalamat ng kanilang pambato

- Nagpasalamat na ang senatoriable na si Chel Diokno sa lahat ng mga sumuporta sa kanya

- Di naiwasang maging emosyonal ang kanyang mga supporters lalo na sa sinapit ng kanilang pambato

- Maging ang mga netizens ay nagbahagi rin ng kanilang saloobin sa naging resulta ng pagtakbo ni Diokno

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nagpasalamat si Chel Diokno sa lahat ng kanyang mga naging supporters sa kanyang laban bilang senador ngayong eleksyon.

Ayon sa ulat ni Mara Cepeda ng Rappler, positibo pa rin ang pananaw ni Diokno sa kabila ng naging resulta ng botohan.

'I’m not at all sad at the outcome of this elections... What is important is the light that we have shone in the darkness,' pahayag ng isa sa senatorial line-up na bumubuo sa 'Otso Diretso'.

Nalaman ng KAMI na bumuhos ang emosyon sa Aurora Tower sa Quezon City kung saan pinuno ito ng mga supporters ni Diokno.

"I will never be the same after this campaign,and for the rest of my life, I will never forget the love and support that all of you have given this effort,” dagdag pa niya.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Habang binibitawan niya ang kanyang mga linya ng pasasalamat, maririnig ang pag-iyak ng kanyang mga taga-suporta.

Samantala, nagtrending sa Twitter Philippines ang #SalamatChel kung saan maging ang mga netizens ay nagpahayag ng kanilang saloobin sa pagkatalo ni Diokno.

"Akala nila ay takot tayong lahat. Akala nila walang lalaban. Akala nila walang maninindigan. Aba, naka-ilang milyong votes tayo? Six million ang nanindigan diyan,” paliwanag ni Chel na ramdam din ang saloobin ng ilan lalo na at wala ni isa sa oposisyon ang kasama sa listahan ng nangunguna sa kasalukuyang bilangan.

Si Jose Manuel I. Diokno o mas kilala bilang Chel Diokno ay may slogan na "boses ng katarungan."

May ilang mga reporma na sana siyang nakahain na tiyak na makakatulong bawat Pilipino, anumang estado ng kanilang buhay.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel