Taray! Estudyante, hinatid ng kanyang tatay sa school gamit ang 1 helicopter

Taray! Estudyante, hinatid ng kanyang tatay sa school gamit ang 1 helicopter

-Hindi naman daw para magyabang kung bakit hinatid ng isang lalaki sa China ang kanyang anak gamit ang isang helicopter

-Depensa ng lalaki, ito ay para mas mapalawig pa ang kaalaman ng mga estudyante sa law of gravity

-Umani naman ito ng iba't-ibang reaksyon mula sa mga netizens

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala naman daw intensyon ang isang lalaki sa China na ipagyabang ang kanyang yaman nang minsan niyang ihatid ang kanyang anak sa eskwelahan gamit ang isang helicopter.

Taray! Estudyante, hinatid ng kanyang tatay sa school gamit ang 1 helicopter

Photo source: Screen grab from SMCP
Source: Facebook

Ayon sa ulat ng South China Morning Post, sinabi ng lalaki na inimbitahan siya ng Fengdan primary school kung saan nag-aaral ang kanyang anak.

Ito ay upang magbigay ng first-hand demonstration tungkol sa gravity of law na parte ng science and technology fair ng naturang paaralan.

Ang lalaki kasi ay namamahala ng isang kompanya na nag-o-offer ng helicopter tour sa Beijing.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Anito, makakatulong sa mga estudyante na maipa-alam kung paano lumilipad ang isang helicopter, para na rin mas lumawig ang kaalaman ng mga ito sa theory of gravity.

Taray! Estudyante, hinatid ng kanyang tatay sa school gamit ang 1 helicopter

Photo source: Screen grab from SCMP
Source: Facebook

“I hope to give more children an opportunity to see helicopters up close, and spark an interest in aviation in some of them,” anito sa isang panayam sa local media.

Mabilis na kumalat ang balitang ito sa social media at mayroon pa umanong kuha kung saan makikitang lumilipad sa paligid ng paaralan ang helicopter ng lalaki.

Marami ang humanga at sinabing nakakatulong nga ito para sa mga estudyante.

Ngunit mayroon rin namang bumatikos rito at hindi natuwa sa ginawa ng lalaki ayon pa rin sa ulat SCMP.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel