Video ng botanteng nag-ala "reporter" ng GMA sa Cavite, kinagiliwan ng mga netizens

Video ng botanteng nag-ala "reporter" ng GMA sa Cavite, kinagiliwan ng mga netizens

- Tuwang-tuwa ang mga netizens sa isang botante na nag-ala reporter ng GMA sa voting precinct sa Silang, Cavite

- Nagsilbing mikropono ang dalang payong ng lalaking animo'y kinakausap nga ni Mel Tiangco sa pagbibigay nito ng updates sa botohan sa kanilang lugar

- Humanga ang mga netizens sa husay ng lalaking ito at para nga raw totoong reporter ang pag-uulat nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ngayon ang nakakatuwang video ng isang netizen na animo'y reporter ng GMA.

Nagbigay ng sarili niyang election updates si Nery Tan Caspe na isa palang journalism student sa Cavite State University.

Tangan ang kanyang payong na nagmistulang mikropono niya, pinapahayag ni Nery ang kaganapan sa voting precinct sa Tartaria Elementary School sa Silang, Cavite kahapon, Mayo 13.

Humahawak pa sa tenga si Nery na para bang pinakikinggan ang mga katanungan ng batikang reporter na si Mel Tiangco na kunwari'y kausap niya sa studio.

Mapapansin sa video na 'confident' si Nery sa kanyang ginagawa kaya naman ang ilang taong doon ay di na siya napapansin sa pag-aakalang totoong reporter ito.

Narito ang kabuuan ng kanilang video:

Ang ilan naman na nakapansin sa hawak nitong payong ay natatawa na lamang maging ang kumukuha ng video sa kanya na si Regie Panaligan Ganadillo.

Tuwang tuwa ang mga netizens at sinabing mahusay si Nery at maaari nga itong maging isang totoong reporter.

Umabot na sa mahigit 75,000 views ang video sa loob lamang ng ilang oras mula nang ito'y in-upload.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures

Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures

Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel