OFW sa Hong Kong, hindi tao kundi 8 malalaking aso ang inaalagaan

OFW sa Hong Kong, hindi tao kundi 8 malalaking aso ang inaalagaan

- Walong aso ang mga inaalagaan ng OFW na si Sheena Rose Tamayo

- Nag-umpisa siyang mag-alaga ng aso ng kanyang amo noong 2016 hanggang sa madagdagan na ang mga ito

- Nag-e-enjoy naman umano siya sa kanyang trabaho at halos di siya nakararamdam ng stress sa mga kinagigiliwang mga alaga

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi tao kundi walong mga aso ang alaga ng OFW sa Hong Kong na si Sheena Rose Tamayo.

Ayon sa ulat ni Aubrey Carampel ng GMA news, taong 2016 nang manilbihan bilang OFW si Sheena at doon nagsimula na rin siyang mag-alaga ng isang aso.

Nang makita raw ng amo na maayos na naalagaan ang alagang hayop, nagdesisyon itong dagdagan pa ito at ngayon at umabot na sa bilang na walo.

Dalawang standard poodles, dalawang German shepherds, dalawang Akita Inus at dalawang chinese dogs na ang kinakalinga ni Sheena.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Napaka-swerte daw ng mga alaga na ito ng OFW dahil air-conditioned pa ang dog house ng mga alaga.

"May sariling dog house po sila at hindi lang po malamig, super lamig, parang winter din po," kwento mismo ni Sheena.

Mamahalin ang mga asong ito na galing pa sa ibang bansa tulad ng Japan. Malalaking uri ng aso ang kanyang inaalagaan na halos ay alakihan

Maswerte rin si Sheena dahil hindi ganoon ka-stressful ang kanyang trabaho. Katunayan, nakakarelax pa nga raw ang mag-alaga ng mga ito.

Kahit na paano raw ay naiibsan ang kalungkutan niya sa pagkakahiwalay niya sa kanyang mga mahal sa buhay na nasa Pilipinas.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel