Post ng netizen patungkol sa di pagkatalo ng 'Otso Diretso, viral

Post ng netizen patungkol sa di pagkatalo ng 'Otso Diretso, viral

- Matapang na naglabas ng saloobing ang isang netizen patungkol sa pagkatalo ng 'Otso Diretso' senatorial line-up

- Mabilis na nag-viral ang kanyang post ilang oras matapos maglabas ng resulta ng botohan

- Umani ng halo-halong reaksyon ang post na tila naging sentro pa ng diskusyon ng ilan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mabilis na nag-viral ang post ng netizen na si Alainie Dirampatun patungkol sa di pagpasok ng otso diretso sa top 12 senatoriables ng bansa.

Ang 'Otso Diretso' senatorial line-up ang binubuo nina Gary Alijano, Bam Aquino, Chel Diokno, Florin Hilbay, Romulo Macalintal, Mar Roxas, Erin Tañada at Samira Gutoc-Tomawis.

Sa post ni Alainie, matapang niyang pinahayag ang pagkadismaya sa naging resulta ng halalan dahil sa di lumas ang ni isang panglan manlang ng naturang mga kandidato.

Humingi siya ng paumanhin na di pinili ng taumbayan ang mga mga senatoriables sa kabila ng magaganda nilang kwlipikasyon para sa tinatakbuhan nilang posisyon.

Labis siyang nasaktan sa kinalabasan ng resulta at hiling niya na sa taong 2022, tumakbo raw sana ulit ang mga ito at muli pa rin niya itong iboboto.

Samantala, umani ng samu't saring reaksyon ang post na ito ni Alainie. Habang ang iba ay sumasang-ayon sa kanyang saloobin, ang ilan naman ay nagsasabing tanggapin na lamang nito ang pagkatalo ng kanyang mga napiling kandidato.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"Please sa susunod, maging independent na lang pi kayo. Wag na kayo umilalim sa LP dahil hahatakin lang nila kayo pababa"
"Gising na ang mga pinoy. Tagal ng nakaupo ng mga dilaw , tang ina puro kurakot pinag uusapan. Ngayon ang daming nagawa ng bagong admin ayaw nyo pa ituloy.
" I would have voted for them if they had provided alternative solutions to the issues. Instead they just state the obvious."
"Magandang credentials at matalino.. kaya namamanipula ng LP ang Senado eh"
"Nakakalungkot po na hndi sila nakapasok they deserve more than those who won."
"Mas pinili nila yung taong mag lulugmok lalo sa ating bansa kawawa namang yung mga bata iba na yung makakalakihan nilang uri ng bansa"

Umabot na sa mahigit 40,000 reactions, 4.3 comments at halos 30,000 shares ang naturang post.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel