Erap, hindi matanggap ang pagkatalo kay Isko Moreno

Erap, hindi matanggap ang pagkatalo kay Isko Moreno

- Nagbigay na ng reaksyon si Joseph Erap Estrada sa pagkatalo niya kay Isko Moreno bilang mayor ng Manila

- Hindi makapaniwala si Erap na siya ay natalo dahil maganda raw ang performance niya sa surveys

- Nasaktan din siya dahil nawala na rin sa Estrada clan ang San Juan City

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging emosyonal si Joseph “Erap” Estrada dahil natalo siya sa Halalan 2019 ni Isko Moreno sa pagiging Manila Mayor.

Nalaman ng KAMI na nasaktan din si Estrada dahil nawala na rin sa Estrada clan ang San Juan City.

Natalo rin ang anak niyang si Jinggoy Estrada sa senatorial race pero maaari pang makapasok ang anak niyang si JV Ejercito sa top 12 ng senatorial race.

“Di ko alam paano nangyari, hanggang ngayon iniisip ko... sobrang bigat…

"Until now, I’m still at a loss kung sino yung malaking gumawa nito,” sinabi ni Estrada sa ABS-CBN News (iniulat ni Christian V. Esguerra).

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Hindi rin makapaniwala ni Estrada na natalo siya ni Moreno dahil maganda raw ang performance niya sa surveys.

“Bakit ako magko-concede? Talagang pri-noject ako. Lahat ng survey, from the start, panalo ako. Tapos ngayon, biglang si Isko nanalo,” ipinaliwanag niya.

Si Joseph “Erap” Estrada ay nahalal noong 1998 bilang ika-13 na Presidente ng Pilipinas ngunit na-impeach siya noong 2001. Naging mayor siya ng Manila noong 2013 nang talunin niya si Alfredo Lim.

READ ALSO: Elections 2019 live updates: Partial and unofficial results of Senatorial race

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

A Little Bit Silly, But Extremely Hilarious Random Pranks! How would you react if there is a barker at an escalator? Check out all of our videos – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel