Dating basurero at ngayo'y bagong mayor ng Maynila; Isko Moreno, panalo na

Dating basurero at ngayo'y bagong mayor ng Maynila; Isko Moreno, panalo na

-Si Isko Moreno na ang bagong alkalde ng Maynila na ipinroklama ngayong Martes

-Tinalo nito ang mga katunggali na sina Erap Estrada at Alfredo Lim

-Nanguna si Moreno mula pa lamang nang magsimula ang bilangan ng COMELEC

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Iprinoklama na bilang bagong alkalde ng lungsod ng Maynila si Francisco “Isko Moreno” Domagoso ngayong Martes ng umaga.

Tinalo nito ang mga katunggali na sina Erap Estrada at Alfredo Lim.

Umani ng 340,018 boto si Moreno laban sa 199,773 ni Estrada na nag-concede na rin. Habang nasa ikatlong pwesto naman si Lim na mayroong 131,539.

Matatandaang nanguna si Moreno simula pa lamang ang bilangan ng mga boto ng Commission on Elections (Comelec) sa San Andres Sports Complex.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Panalo rin ang running mate ni Moreno na si Vice Mayor Maria Sheilah Lacuna-Pangan.

Nagpasalamat na rin ang bagong mayor sa kanyang mga taga-suporta kabilang na ang simbahang katoliko at ang Iglesia ni Cristo.

Dati nang tumakbo bilang running mate ni Estrada si Moreno noong 2013 sa kasunduang isang term lamang si Estrada.

Ngunit hindi ito tinupad ng natalong incumbent mayor at muling tumakbo noong 2016.

Samantalang si Moreno naman ay tumakbo bilang senador ngunit 'di ito pinalad at natalo.

Dating mangangalakal at umaasa lamang sa mga tirang pagkain sa mga restaurant si Moreno noong bata pa ito.

Ikinasal si Moreno sa asawa nitong si Diana Lynn Ditan noong 2000 at mayroon ng limang anak.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel