Botante sa Davao City, namatay habang bumoboto

Botante sa Davao City, namatay habang bumoboto

-Dead on the spot ang isang 50-anyos na lalaki sa Davao City habang siya ay bumoboto

-Posible umanong na-heat stroke ito dahil sa haba ng ipinila nito sa ilalim ng init ng araw

-Agad naman daw itong ni-rescue nang makitang bumagsak sa inuupuan sa loob ng presinto ngunit huli na para rito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Excited pa naman daw ang 50-anyos na si Eduardo Bilauro na bumoto para sa sinusuportahan nitong kandidato nitong Lunes, araw ng Halalan.

Ngunit ang galak ay nauwi sa isang trahedya matapos itong mamatay habang bumoboto.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, kasalukuyang bumoboto si Bilauro nang bigla na lamang nitong mabitiwan ang marker.

Pagkatapos ay bumagsak na ito mula sa inuupuan nito sa loob ng polling precinct sa Matina Pangi Elementary School sa Davao City.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Agad naman daw itong ni-rescue ng medical team nang makita ang pagbagsak nito ngunit huli na para rito.

Idineklara itong dead on the spot ng sumuring doktor dito.

Ayon sa pamilya ni Bilauro, may sakit ito sa puso.

6:00 pa lamang ng umaga ay nasa voting precinct na ito kasama ang maybahay nito para bumoto.

Ngunit dahil mahaba ang pila ay matagal na itong nakatayo sa ilalim ng init ng araw.

Kaya posible umanong na-heatstroke na ang lalaki.

Samantala, sa isa namang ulat ng KAMI, isang senior citizen sa Barangay Santiago, Bauang, La Union ang binawian rin ng buhay nito ring Lunes matapos bumoto dahil sa tindi ng init.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Nakakapanlumo! 'Payslip' ng magsasakang Pinoy, isiniwalat ng isang netizen

Nakakapanlumo! 'Payslip' ng magsasakang Pinoy, isiniwalat ng isang netizen

'Payslip' ng magsasakang Pinoy, isiniwalat ng isang netizen
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel