Botante sa Bulacan, 'di pa nakakaboto pero nilagyan na ng indelible ink

Botante sa Bulacan, 'di pa nakakaboto pero nilagyan na ng indelible ink

-Wala na raw nagawa ang isang botante sa San Jose del Monte sa bayan ng Bulacan nang lagyan siya ng indelible ink kahit pa nga hindi pa siya nakakaboto

-At kahit wala pa raw siyang naiboboto sa kanyang balota ay ipinasok na raw ito ng isang BEI sa VCM

-Ayon sa botante, tila siya ninakawan ng karapatan dahil sa nangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Wala nang nagawa pa ang isang botante sa San Jose del Monte, Bulacan kung hindi ang umiyak na lamang matapos manakaw raw ang kanyang karapatang bumoto.

Ayon sa ulat ni Marisol Abdurahman ng GMA News na siyang nakausap ng botante, matapos ma-verify na nasa presinto ang kanyang pangalan ay pina-derecho na raw siya ng isang Board of Election Inspectors (BEI) sa isang babaeng naka-black.

“Pinadiretso niya ako sa isang table na may balota , yun po dapat ang ishe-shade natin. Ngayon po, hindi ko po yun nagawa kasi ang sabi niya diretso po ako doon sa babaeng naka-black,” anito.

Ang babaeng naka-black naman daw, hindi pa man tinatanong kung nakaboto na siya ay nilagyan na siya ng indelible ink sa daliri.

Pagkatapos ay ipinasok na raw sa vote-counting machine ang kanyang balota, kahit pa nga hindi pa siya nakakaboto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ang labis pang ipinagtaka ng botante, na tumanggi nang ilantad ang sarili, may lumabas na mga pangalan sa mahabang papel mula sa machine.

“May lumabas na isang mahabang papel, may pangalan na agad e, pero wala akong boto,” paniniguro pa nito.

Laman raw nito ang mga pangalan ng mga mula sa lokal hanggang sa national na kandidato.

Paglilinaw nito, hindi pa siya nakakapag-shade sa balota nang ipasok ito sa VCM at hindi rin ito ang unang beses na siya ay bumoto.

Sinubukan pa raw niyang magtanong ngunit ayon sa kanya ay sinabi lamang daw ng isang BEI na: "okay na 'yun." at tsaka nag-thumbs up pa sa kanya.

Ayon sa GMA News, sinubukan na nilang hingin ang panig ng BEI ngunit dahil abala pa ang mga ito ay wala pang sagot ang mga ito.

Samantala, isasangguni na rin ang insidente sa COMELEC.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Lauren Young calls out ‘Chinese-only’ restaurant in Subic

Lauren Young calls out ‘Chinese-only’ restaurant in Subic

Lauren Young calls out ‘Chinese-only’ restaurant in Subic
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel