Davaoeños, tiniis ang init para mai-boto ang mga "subok" na nilang kandidato

Davaoeños, tiniis ang init para mai-boto ang mga "subok" na nilang kandidato

-Para sa mga Davaoeños, titiisin nila ang init ng panahon at haba ng pila para maiboto ang mga kandidatong kanilang subok na

-Dalawa lamang ang partido na naglalaban sa Davao del Norte na parehong suportado ni Pangulong Duterte

-At kahit pa nga ilan sa mga ito ay nakaramdam ng hilo at may mga tumaas pa ang blood pressure, determinado pa rin silang makaboto

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Para sa mga Pilipino, mahalaga ang makaboto tuwing eleksyon.

Tulad na lang ng mga Davaoeños na tiniis ang init ng panahon at haba ng pila para iboto ang mga kandidatong kanilan daw "tried and tested".

Sa ulat ni Michael Joe Delizo ng ABS-CBN News, hindi alintana ng mga bontante sa A.O. Floirendo Elementary School sa PANABO, Davao del Norte, ang haba ng pila.

Sa isang larawang ibinahagi ni Delizo, makikita pa ang haba ng pila sa eskwelahan kung saan boboto ang 10,490 na registered voters.

Ngunit mayroon lamang limang presinto at lima rin vote-counting machines rito.

Kaya naman tumagal sa ilang oras ang pila sa ilalim ng napakainit na araw.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Sa isang tweet ni Delizo, mayroong nang mga botante ang nagpa-check up sa first-aid station sa lugar dahil sa pagtaas ng blood pressure.

Ayon pa sa isang mamamayan na nakapanayam ng ABS-CBN na si Gigi Almusara, nais nilang iboto muli ang mga kandidatong kanilang subok na.

“Sila ang sandigan, dapat sila ang botohan,” ayon naman kay Eva Duca. “Ang gusto ko ‘yung nagpapakain sa amin.”

Dalawa lamang ang partido na naglalaban sa Davao del Norte, ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) and Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban).

Parehong suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga ito.

Samantala, sa iba pang ulat ng KAMI, pagod at gutom ang inabot ng mga senior citizens na bumoto ngayong araw.

Dahil sa ilang aberya, walang nagawa ang mga ito kung hindi ang maghintay sa pila. Ang ilan sa kanila, sinisingitan pa raw ng ibang botante.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel