Bombang sumabog sa Lanao del Sur, para raw sana sa mga sundalo

Bombang sumabog sa Lanao del Sur, para raw sana sa mga sundalo

-Hindi pa malinaw kung may kaugnayan nga sa eleksyon ang pagsabog ng bomba sa Lanao del Sur, hapon ng Lunes

-Ngunit ayon sa ulat, para raw sana sa mga sundalo ang bomba na 'di sinasadyang sumabog sa loob ng van ng mga suspek

-Walang nasaktang sibilyan ngunit dalawa sa mga suspek ang lubhang nasugatan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi pa malinaw sa ngayon kung may kaugnayan nga ba sa eleksyon ang pagsabog ng isang bomba sa Lanao del Sur ngayong Lunes, araw ng halalan.

'Di sinasadyang sumabog ang isang bomba sa loob ng isang van sa Marantao, Lanao del Sur, malapit sa isang polling station doon.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, para raw sana sa mga sundalo sa lugar ang bomba ngunit nang ibinato na ito ng mga suspek ay sumabit sa windshield ng sasakyan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Kaya naman sa halip na sa mga sundalo ay sa mga mismong suspek sumabog ang bomba.

Dalawa sa mga ito ang lubhang nasugatan habang naharang naman ng mga awtoridad ang dalawang iba pa.

Marami pa rin daw mga baril at IED sa loob ng van kaya naman pinalayo na ang mga tao malapit sa lugar kung nasaan ang van bagamat tuloy pa rin ang pagboto ng ilan sa malapit na eskwelahan.

Matindi ang tensyon sa lugar habang sinusubukan pang i-detonate ng mga awtoridad ang mga IED sa van.

Wala namang naiulat na nasaktang sibilyan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Vico Sotto opens up about importance of politicians having faith in God

Vico Sotto opens up about importance of politicians having fear and love of God

Vico Sotto opens up about importance of politicians having faith in God
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel