Anyare? Voter's receipt ni Cynthia Villar, 'di tugma sa kanyang balota

Anyare? Voter's receipt ni Cynthia Villar, 'di tugma sa kanyang balota

-Inamin ni re-electionist Cynthia Villar na hindi tumugma ang kanyang voter's receipt sa kanyang balota

-Sa isang panayam, sinabi niyang nagulat siya nang makita ang resibo

-Samantala, ilang aberya pa ang nangyari ngayong araw ng eleksyon para sa 2019

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Mismong si re-electionist senatorial candidate Cynthia Villar ang nagsabing hindi tumugma ang kanyang voter's receipt sa kanyang balota.

Sa isang panayam, inamin ni Villar na laking-gulat niya nang makita ang pangalan ng isang kandidato sa kanyang voter's receipt samantalang 'di naman niya ito ibinoto.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon naman sa ulat ng DZRH News, inamin rin ni Villar na posibleng nagkamali siya ng pag-shade sa balota habang bumuboto.

Maagang bumoto ang top senatorial bet sa Las Piñas City Science High School kasama ang kanyang asawang si Senator Manny Villar at anak na si DPWH Secretary Mark Villar.

Sa isang video na ibinahagi ng Facebook page na Philippine News Agency, makikita pa ang aktwal na pagboto ng mga Villar.

Samantala, iba pang aberya ang nangyari ngayong araw ng eleksyon para sa taong 2019.

Si dating Bise Presidente Jejomar Binay, masama ang loob dahil sa rejected niyang balota na unan nang naibalita ng KAMI.

Ang mga botanteng senior citizens, pagod at gutom ang inabot dahil sa mga aberya sa kani-kanilang presinto, ang ilan, sinisingitan pa raw ng mga mas batang botante.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Netizens, nais matulungan ang lolong mananahi na laging kasama ang misis na naka-wheelchair

Netizens, nais matulungan ang lolong mananahi na laging kasama ang misis na naka-wheelchair

Netizens, nais matulungan ang lolong mananahi na laging kasama ang misis na naka-wheelchair
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel