Lalaking walang mga braso at kamay, gagamitin ang mga siko para makaboto

Lalaking walang mga braso at kamay, gagamitin ang mga siko para makaboto

-Dahil walang mga braso at kamay ang botanteng si Ronnie, siko ang kanyang gagamitin para makapag-shade sa balota

-Naniniwala kasi ito na importanteng makaboto siya para sa kinabukasan niya at ng kanyang mga anak

-Aksidenteng nakuryente si Ronnie sa trabaho kung kaya kinailangang putulin ang kanyang mga braso hanggang mga kamay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naniniwala ang botanteng si Ronnie De Villa na importanteng makaboto siya para na rin sa kanyang kinabukasan at maging ng kanyang tatlong anak.

Sa isang larawan na ibinahagi ni John Consulta ng GMA News, makikita pa si Ronnie habang nagpa-practice mag-shade ng balota sa kanilang bahay.

Lalaking walang mga braso at kamay, gagamitin ang mga siko para makaboto

Photo source: Screen grab from GMA News
Source: Facebook

Dahil walang mga braso at kamay, ginamit ni Ronnie ang kanyang mga siko para masigurong makakaboto siya ng maayos.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Ayon pa rin sa ulat, aksidenteng nakuryente ito habang nasa trabaho noong 2008.

Sanhi nito, kinailangang putulin ang mga braso hanggang kamay ni Ronnie.

Ganunpaman, hindi ito naging hadlang para siya ay bumoto ngayong eleksyon.

Samantala, ang PWD rin na si William Ramos mula sa Makati ay kinailangan namang umakyat sa ikalawang palapag kung nasaan ang kanyang presinto sa Baranagay San Antonio Village.

Ayon sa ulat ni Leah Borlongan ng GMA News, nalipat kasi ng voting precinct si William dahil giniba na ang covered court kung saan ito bumoboto dati.

Tinulungan naman si William ng ilang staff sa nasabing lugar.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Alex Gonzaga's controversial remark to Parañaque mayor elicits reactions from netizens

Alex Gonzaga's controversial remark to Parañaque mayor elicits reactions from netizens

Alex Gonzaga's controversial remark to Parañaque mayor elicits reactions from netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel