"Gusto ko ibaba ang presyo," Imee Marcos, pagnanalo sa election 2019

"Gusto ko ibaba ang presyo," Imee Marcos, pagnanalo sa election 2019

- Gusto ni Senatorial candidate Governor Imee Marcos na ibaba ang presyo ng bilihin pagnanalo sa election 2019

- Ito ang bungad na sagot ng gobernadora sa tanong ng reporter pagkatapos makaboto

- Bukod pa rito ay tinadtad pa ng maraming tanong ang senatorial candidate

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Inulan ng maraming tanong ang senatorial candidate ng PDP-Laban na si Governor Imee Marcos at ang isa sa mga major na tanog na spotted ng KAMI na itinanong sa gobernadora ay kung papalaring manalo sa senado ano raw ba ang "proposed bill" na uunahin niya.

Diretso naman na sinagot ng senatorial candidate ay ang pagbababa ng presyo sa mga pangunahing bilihin at titingnan niya ang tungkol sa 12% VAT.

Pagpapatuloy pa ni Governor Imee Marcos:

"Titignan natin yung 4Ps para mabigyan ng trabaho at cash support yung iba na nangangailangan na ng trabaho."

At tungkol naman sa mga taong bumabatikos at sumuporta sa kanya ay may mensahe siya na gustong iparating.

Saad pa niya:

"Give us a chance. Sa palagay ko maraming sinasabi, eh hindi naman naabutan, eh hindi rin namin kasalan. Kaya give us a chance. Kailangan ngayon wag na tayong masyadong tumututok sa pambabatikos, paninira, yung walang kamatayan na trolling."

Dagdag pa ni Imee:

"Siguro importante yung sino may track record. Sino yung may mga programa at plataporma. Sino ang may solusyon sa mga problema sa bansa."

Bukod pa rito ay marami pang mga tanong ang ibinato sa senatorial candidate.

POPULAR: Read more news about Philippine Latest Political News here

Watch the full interview below:

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Our team went out to the streets again to ask “Tricky Questions” to our fellow kababayans.

Get more exciting, fun, insightful, and hilarious videos by clicking here - HumanMeter YouTube channel

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel