Dating VP Jejomar Binay, masama ang loob dahil sa "rejected" niyang balota

Dating VP Jejomar Binay, masama ang loob dahil sa "rejected" niyang balota

- Masama ang loob ng dating bise presidente jejomar Binay dahil sa 'rejected' ng vote counting machine ang kanyang balota

- Walong beses pa raw sinubukang ipasok sa machine ang kanyang balota ngunit nilalabas din ito ng VCM

- Di na rin siya pinahintulutan na pang magkaroon ng panibagong balota alinsunod sa patakaran ng botohan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

"Unang-una na-disappoint ako," ani dating bise presidente Jejomar Binay sa kanyang panayam matapos di tanggapin ang kanyang balota.

Ayon sa Rappler, nailalabas ng vote counting machine o VCM ang balota ni Binay na sinabing 'marked at rejected' na.

Nasa walong beses pa nila itong sinubukang ipasok ngunit sadyang di ito tanggapin ng VCM ng kanyang assigned precinct sa San Antonio National High School, Makati city.

Kadalasan na apat na beses lamang dapat subukang ipasok ang balota ngunit nang dumating ang isang kinatawan ng comelec, apat na beses muli itong sinubukang ipasok sa VCM.

Masama ang loob ng dating bise presidente dahil sa di na siya nabigyan ng panibagong balota upang makaboto muli alinsunod sa patakaran ng eleksyon.

Isa pa sa nakitang problema mismo ni Binay ay ang pagbibigay di umano ng maruming balota sa nauna sa kanya dahilan upang makonsidera na itong marked ballot.

Sa mga nasaksihan, nagsimula nang magduda ang dating VP dahil umano sa nakaraang nalaman niyang dayaan sa eleksyon.

Alam daw kasi ng mga nangangasiwa ng eleskyon sa lugar na mas marami ang boboto sa kalaban ng kanila mismong sinusuportahang kandidato.

Ang tinutukoy pang eleksyon ni VP Binay ay sa panahon pa ng dating pangulong Marcos.

At ngayon, ginigiit ng dating bise presidente na nangyayari na naman.

Kaya namanhayagan niyang sinabi na matindi ang kanyang pagdududa sa integridad ng nagaganap na halalan.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kabuuang pahayag na mula sa Rappler.

Giit pa ni VP Binay, sana raw ay may alternatibong paraan para makaboto pa rin ang nakaranas ng 'marked at rejected' ballot upang di sana nasayang ang kanilang kalayaang bumoto.

Makailang beses din niyang sinabi na siya ay "galit' sa mga pangyayari.

Kasalukuyang tumatakbo bilang kongresista ng unang distrito ng Makati si Binay. Dati siyang naging alkalde ng nasabing siyudad sa matagal na panahon bago siya nahalal bilang bise presidente ng bansa.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Alex Gonzaga's controversial remark to Parañaque mayor elicits reactions from netizens

Alex Gonzaga's controversial remark to Parañaque mayor elicits reactions among netizens

Alex Gonzaga's controversial remark to Parañaque mayor elicits reactions from netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel