Ilang guro sa Sulu, nagback-out sa pagiging BEI; pulisya, pumalit

Ilang guro sa Sulu, nagback-out sa pagiging BEI; pulisya, pumalit

- Nagback-out ang ilang guro sa Sulu ilang oras bago ang eleksyon

- Hahalili sa kanila ang pulisya upang maidaos pa rin ang halalan sa mga presintong naiwan ng ilang guro

- Nagkaroon din ng ilang problema sa gagamiting materyales sa island municipality Sulu

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umatras ang ilang guro sa Lugus, Sulu sa pagsisilbi bilang Board of Election Inspectors ngayong eleksyon.

Ito ay dala umano ng takot na magkagulo sa lugar ayon kay eleksyon officer Fatima Awali Susulan ng Lugus, Sulu.

Ayon sa ulat ni Raffy Tima ng GMA news, limang pulis ang papalit sa mga gurong nagback-out upang maidaos pa rin ang halalan sa mga presintong di uupuan ng mga guro.

Samantala, nagkaroon din ng aberya ang dalawang vote counting machines o VCM sa Lugus, Sulu. Ito ay napagtanto matapos gawin ang final sealing and testing.

Isa sa tinitingnan nilang problema ang hina ng signal sa lugar na mahalaga sa paggamit ng VCM.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Mayroon din namang back-up na VCM ngunit sa kasamaang palad, sira rin ito. Agad naman daw itong papalitan.

Sa tindi ng kompetisyon sa pagka-Mayor sa naturang lugar, mahigit isang daang mga pulis at sundalo ang naka-deploy sa Lugus pa lamang.

Ito ay upang ma-doble ang seguridad at kapayapaan sa pagdaraos ng halalan lalo na sa ilang bantang natatanggap nila mula sa Abu Sayyaf.

Bukod sa pagbabantay sa kaayusan, at pag-upo bilang BEI kahalili ng mga umatras na guro, nakahanda rin ang mga sundalo at pulisya sakaling magkaproblema sa pagdadala ng mga materyales lalo na ang mga balota at VCM.

Nakahanda ang mga air rockets nila kung tawagin ang maging ang mga makabagong tangke na rumoronda sa mga bahagi ng Jolo, Sulu.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Alex Gonzaga's controversial remark to Parañaque mayor elicits reactions among netizens

Alex Gonzaga's controversial remark to Parañaque mayor elicits reactions from netizens

Alex Gonzaga's controversial remark to Parañaque mayor elicits reactions from netizens
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel