Nanay na OFW, masayang makasama ang mga anak matapos ang 10 taon

Nanay na OFW, masayang makasama ang mga anak matapos ang 10 taon

-Matapos ang 10 taong pagkakahiwalay sa mga anak, sa wakas ay nakasama na ng isa nating kababayang OFW ang mga ito

-Ibinahagi ng ginang ang kanyang mga sakripisyo at paghihirap sa mga panahong wala sa kanyang tabi ang mga ito

-Kaya naman nagbigay na rin ito ng payo para sa mga katulad niyang nanay na OFW

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi naging madali ang lahat para sa overseas Filipino worker (OFW) na si Sheryl Palacios-Manalo bago niya muling nakasama ang mga anak.

Sa isang article ng The Filipino Times kung saan naitampok ang istorya nito, ibinahagi ng ginang ang kanyang mga pinagdaanan bilang isang ina.

Ayon kay Manalo, pinakamahirap para sa kanya ang mga pagkakataong kinakailangan na niyang ihatid pauwi sa Pilipinas ang mga anak.

“Ipinanganak ko lang sila dito sa Abu Dhabi at kinailangan nang ibalik sa Pilipinas matapos ng isang buwan.

"Napakahirap para sa akin na mawalay sa aking mga anak habang sila ay lumalaki,”

Marami raw siyang hindi nasaksihang bagay sa kanyang mga anak na ngayon ay edad 9 at 7 taon.

Masakit rin para sa kanya sa tuwing may sakit ang mga ito at hindi niya maalagaan man lang.

“Ang pinakamahirap sa kalooban ko bilang isang ina ay kapag may sakit ang mga anak ko at wala ako sa tabi nila para maalagaan sila.

"Gusto kong umuwi sa pagkakataong iyon, pero hindi ko kaya.

"Isinasa-Diyos ko na lang at ipinagdarasal para bigyan sila ng proteksyon laban sa anumang makakasakit sa kanila at patunbayan sila sa lahat ng oras,” anito.

Ngunit ang lahat ng paghihirap at sakripisyo ni Manalo ay nagkaroon din ng bunga matapos ang 10 taon dahil sa wakas ay nakasama na niya ang mga anak.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Dito na magsisimula ang buhay nila na magkakasama kaya naman laking pasamalamat ng OFW.

Sa loob ng 12 taon niyang pagta-trabaho sa UAE, tanging hangad na lamang nito ay ang makapiling at maalagaan ang mga anak.

Kaya naman payo ni Manalo sa mga katulad niyang ina na kinailangan pang malayo sa mga anak upang mabigyan ang mga ito ng magandang buhay,

“We should have an attitude of persistence and faces life’s demands without fussing, nagging, groaning, or comparing our situation with others’ circumstances.

"We should love all our children unconditionally and demonstrates to our children how they too can love at all times.

"We should recognize that our patience will be tried by disobedience but it will never cause our love to regress in anger,”

Hindi kailanman matatawaran ang sakripisyo ng mga magulang lalong lalo na ang pagmamahal ng isang ina.

Kung kaya naman saludo ang buong KAMI sa lahat ng mga ina na walang hanggang ang pagmamahal at pagsasakripisyo para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Nanay na OFW, masayang makasama ang mga anak matapos ang 10 taon

Photo source: Screen grab from TFT
Source: Facebook

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
'Payslip' ng magsasakang Pinoy, isiniwalat ng isang netizen

'Payslip' ng magsasakang Pinoy, isiniwalat ng isang netizen

'Payslip' ng magsasakang Pinoy, isiniwalat ng isang netizen
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel