83 anyos na ina ng bulag, mag-isang tinataguyod ang anak

83 anyos na ina ng bulag, mag-isang tinataguyod ang anak

- Nakamamangha ang tapang ng 83 anyos na lolang si Jacinta "Sinta" Balagtas

- Naglalako siya ng nilupak at mga gulay na siya nilang kinabubuhay

- Walang ibang hiling ngayong araw ng mga ina si nanay Jacinta kundi ang maayos ang kanyang kariton upang mas maayos na makapag-hanapbuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mag-isang tinataguyod ni Jacinta "Sinta" Balagtas ang anak niyang 52 taong gulang na bulag.

Ayon sa Manila Bulletin, naglalako si nanay Sinta ng nilupak at mga gulay para lamang sila'y mabuhay ng anak na si Kristina.

Dalawang taong gulang pa lamang kasi ito nang mawalan na ng paningin dahil sa sakit na measles.

Sa edad na 83, kinakaya pa rin ni nanay Sinta na gumising ng maaga upang makapamili sa Divisoria na nasa 30 munuto ang biyahe mula sa lugar nila sa Navotas.

Sa isang araw, kumikita siya ng nasa ₱1,300. Ngunit sa kasamaang palad, dahil hiniram lamang niya ang 1,100 na puhunan dito, nasa ₱ 200 lang ang kanyang naiuuwi para pagkasyahin sa kanila ng kanyang anak.

Pag naman may natirang gulay mula sa kanyang paninda, iyon na ang kanyang niluluto para may makain sila.

Maging ang mga kapitbahay nina nanay Sinta at Kristina ay nadudurog ang puso sa sitwasyon ng mag-ina.

Tanging hiling lamang nila ay matulungan ang mga ito lalo na si nanay Sinta upang di na ito gaanong mapagod sa pagtitinda.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

Narito ang kabuuan ng kanilang kwento na nakuha ng KAMI sa GMA news TV.

POPULAR: Read more viral stories here

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities.

Jodi Sta. Maria's Experience Working With Gabbi Concepcion | HumanMeter

Source: Kami.com.ph

Related news
Seve, pinagigil ang PBB Otso viewers! Nag-cameo sa blurbs ni Toni Gonzaga

Seve, pinagigil ang PBB Otso viewers! Nag-cameo sa blurbs ni Toni Gonzaga

Seve, pinagigil ang PBB Otso viewers! Nag-cameo sa blurbs ni Toni Gonzaga
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel