Millenial, nakatikim sa mga netizens matapos bastusin daw ang lola ng BF nito

Millenial, nakatikim sa mga netizens matapos bastusin daw ang lola ng BF nito

-Tila hindi nagustuhan ng mga netizens ang inasal ng isang dalagita na binastos daw ang lola ng kanyang BF

-Sa isang viral video kasi, kinakausap ito ng matandang babae ngunit ang dalagita ay nanatiling nakayuko at halos hindi tumingin sa matanda

-Nakatikim naman ng sermon ang dalagita at ang nobyo nito mula sa konserbatibong lola

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Maraming netizens ang hindi natuwa sa isang millenial na dalagita sa isang viral video na in-upload ng Facebook page na Trending Pinoy Videos.

Ayon sa ilang netizens, nabastos raw ng dalagita ang lola ng kanyang nobyo dahil sa inasal nito noong siya ay ipakilala dito at dalhin sa bahay.

Sa video, makikita ang abuela habang sinesermunan ang apo nito tungkol sa pag-aasawa.

May mga pagkakataon pang tinatanong ng matandang babae ang dalagita ngunit hindi man lamang ito tumitingin sa matanda.

Makikita ring nakayuko lamang ito at nakatutok ang buong atensyon sa kanyang cellphone.

Sa isang bahagi ng video, tila nakahalata na rin si lola at sinabing hindi man lamang nagsasalita ang dalagita.

Kaya naman ang mga netizens beastmode talaga dahil sa inasal ng dalagita.

"Bastos na babae.pag kinakausap ka wag kang dutdut ng dutdut sa cp mo."

"bastos naman. kinakausap nakayukyok sa celfone. jusko, pag ganyan, tigilan nyo pagjojowa. pweeee!"

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Ung babae halatang walang galang kinakausap xa dedma lang cellphone lang what if kya nagkatuluyan n sila ano kaya ang gagawin ng babae sa matanda ?!"

"Kinakausap ka ng lola niya show some respect nman dont use your phone."

"Kaloka ka te.. celpon pa more! Show some respect.. Kinakausap ka di ba? Kung sasama ka sa bahay nila, be sure na makaharap mo sila with confidence di ung pa cp cp ka jan.."

"Manners at courtesy... yan ang hindi naituro ng magulang ng babaeng yan. Manners, yung habang nagsasalita si lola, nakatingin ka habang nakikinig kahit ano pa sinasabi nya."

"Kinakausap prang wla lang..Bastos! No manners."

"Walang kwenta yan ganyan wlang respeto sa matatanda, buti p ang CP kinakausap nya.pag aralin mo muna ng GMRC kasama mo utoy."

"Konting respeto naman kinakausap ka tx ka ng tx dapat makinig ka .saka ka na mag cp pag tapos ka ng kausapin."

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel