Mang Inasal crew, nagsikap para mapagtapos ang GF niya na isang cumlaude

Mang Inasal crew, nagsikap para mapagtapos ang GF niya na isang cumlaude

-Marami ang humanga sa mag-nobyo na nag-viral sa social media

-Ang butihing nobyo kasi, nagsumikap ng husto upang maitawid ang pag-aaral ng kanyang nobya

-Hindi naman siya binigo nito matapos nitong magtapos bilang cumlaude

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi naging biro ang daan para sa tagumpay ng mag-nobyong sina Blessy Parreño De Martin at RM De Martin.

Sa isang post sa social media, ibinahagi ni De Martin ang kanyang pasasalamat para sa nobyo na sinuong ang lahat ng hirap para lamang masuportahan ang kanyang pag-aaral.

Ipinagmalaki rin ng dalaga na mula sa pagiging porter, construction worker, cook, at naging OIC sa Mang Inasal ay nagawa siyang pagtapusin ng nobyo.

"Manughakot humay, Construction Worker, Cook, at naging OIC Mang Inasal NaKAPAGPATAPOS NG CUMLAUDE."

Hindi nito ikinahihiya kung saan siya nagsimula hanggang sa makamit ang inasam na tagumpay.

PAY ATTENTION: Using free basics app to access internet for free? Now you can read KAMI news there too. Use the search option to find us. Read KAMI news while saving your data!

"Opoh, tama kayo ng pagkakabasa, isang simpleng lalaki naitaguyod ng apat na taon (AKO)."

Hindi naman nabigo ang binata dahil ang kanyang nobya ay magtatapos bilang cumlaude.

Hindi man daw naging madali ang lahat para sa kanilang dalawa ay nagpapasalamt siya na may mga taong sumuporta sa kanila sa kabila ng mga mapanghusgang mga mata sa paligid nila.

Hindi rin nakalimot magbigay ng payo ang dalaga para iba pang estudyante na bigyang halaga ang mga pagsisikap ng mga nagpapa-aral sa kanila.

Tunay ngang dakila ang tunay na pag-ibig, patunay na rito ang pagmamahalana at respeto sa isa't-isa nila Blessy at RM.

Mula sa KAMI, taos-puso naming binabati ang tagumpay ng dalawang taong wagas na nagmamahalan.

Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Jodi Sta. Maria speaks with HumanMeter about the upcoming romantic drama "Man and Wife" also starring Gabbi Concepcion. Let us take a closer look into the movie shooting process and some details about the collaboration of the two celebrities – on KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Related news
Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures sa socmed

Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures sa socmed

Picture Perfect! 8 Cutest Pinoy celebrity family of four pictures
KAMI.com.ph
Mailfire view pixel